Natuwa ang netizens sa pagpapasilip ni Tom Rodriguez ng kanyang non-showbiz family kahit na wala itong full-face reveal.
Sa Instagram kahapon, June 5, 2025, nag-post si Tom ng apat na family photos, pero nakatalikod ang kanyang mag-ina.
Sa unang larawan, nakaharap si Tom.
Sa isa pang shot, kita ang side profile ni Tom habang hinahalikan ang ulo ng non-showbiz partner.
Sa huling larawan, solong kinunan ang nine-month-old baby nilang si Korben.

Sa caption, tinawag ni Tom na "sanctuary" ang kanyang bagong pamilya.
At may dahilan daw kung bakit hindi pa niya sila ipinapakilala nang tuluyan.
Aniya, "Some treasures in life are too sacred to put on full display.
"This isn’t about hiding… it’s about holding.
"Holding close what grounds me.
"What restores me.
"What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play.
"This family of mine is my sanctuary…My peace.
"And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real.
"Thank you to @bundleofjoystudioph for capturing this quiet kind of joy we live every day.
"#FamilyFirst #Gratitude #QuietJoy #BundleOfJoyStudios #Sanctuary"
View this post on Instagram
Read: Tom Rodriguez still in “thanksgiving mood” while flexing baby boy
TOM RODRIGUEZ REPLIES TO SOME COMMENTS ABOUT HIS FAMILY
Sa comments section, masaya ang mga friends at fans para kay Tom.
Sabi ng isang follower: "Privacy is POWER (hearts emojis) .... and very Rare.. keep it... (smiling face with heart shaped eyes emojis)"
Sagot ni Tom, "true! But it’s the most rewarding (smiling face with heart shaped eyes emoji)"

Umaasa naman ang isa niyang kaibigan na magiging masaya ang susunod na kabanata ng buhay ng aktor.
"Huge congratulations to you, Tom! So proud of you and everything you've accomplished. Wishing you nothing but success, happiness, and all the best in this next chapter. You deserve it all! (praying hands, heart emojis)"
Sagot ni Tom, "thank you..."
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang masalimuot na pagtatapos ng marriage nila ni Carla Abellana, na kinumpirma ang kanilang divorce noong June 2024.

May bumati rin kay Tom sa una niyang Father's Day sa June 15, 2025.
Aniya, "So glad to see you happy, bro! Happy early Father’s Day! (heart emoji)"
Tugon ni Tom, "thank you, bro"

Read: Tom Rodriguez writes appreciation post for son Korben
November 2024 nang masayang inamin ng Kapuso actor na mayroon na siyang baby na "four months old."
Ayon sa ulat ng PEP Troika, ayaw raw ng aktor na kapag dumating ang panahong malaki na ang anak at kaya na nitong mag-search sa Google ay mababasa nitong itinanggi siya ng kanyang ama.
Read: Tom Rodriguez, inamin ang pagkakaroon ng four-month-old baby boy
