Inilunsad ng Tiktok ang Family Pairing features, na magdadagdag sa kontrol ng mga magulang sa accounts ng kanilang mga anak na teenagers.
Ito ang inanunsiyo ng popular na social-media app nitong July 30, 2025.
Sa pamamagitan ng “new safety and well-being features for teens and families on TikTok," mamo-monitor ng mga magulang ang interes at activities ng mga anak.
Layon daw ng bagong tools na magkaroon ng “conversations about online experiences, safety, and privacy on an ongoing basis” ang teenagers at ang kanilang parents.
Read: Netizens react to woman changing dog’s diaper on baby table
NOTIFICATION tools for parents
Inisa-isa ng TikTok ang bagong built-in safeguards nito.
Tine-test daw ngayon ang pagkakaroon ng notification sa parents kapag nag-upload ng video o photo ang anak.
Pahayag ng TikTok: “This helps parents stay informed and start open conversations about what their teen is posting, without disrupting their creativity or independence.”
May isa pang added feature para sa mga magulang na ang anak ay edad 16 to 17.
Masisilip nila kung ang anak ay nakiki-Duet or Stitch—kunsaan puwedeng makipag-interact ang isang TikTok user sa video ng isa pang app user.
Ang feature na ito ay hindi magagamit ng teens edad 13 to 15.
Available na rin globally ang nauna nang TikTok feature na kapag may ni-report na video ang teenager, automatic na maa-alert ang kanyang parents.
Dagdag paliwanag ng app ukol dito: “While parents won't see the specific reported content, it's designed to help make it easier for teens to start conversations about online boundaries and safety with the trusted adults in their lives.”
Read: SUCCESS STORY: Jun Laingo’s climb from guard to bank teller
ENHANCED FEATURES
On the topics viewed by teenS
Ang exising feature kung saan nako-customize ng user ang topics na lalabas sa feed niya ay may add-onn function.
Sa Family Pairing, makikita ng mga magulang kung ano ang prefered topics ng kanilang mga anak.

PARENTS HAVE BLOCK CONTROLS
Isa pang existing feature ng Tiktok ay nakikita ng parents ang mga blocked accounts ng kanilang mga anak.
This time, puwede nang mag-block ang parents ng accounts na ayaw nilang lumabas sa feed ng teenager.
May kakayahan din ang parents na i-unblock ang account.
Pero sa ngayon, sa Europe pa lamang available ang feature na ito.
