"Motherhood, definitely came to me at the right time."
Ito ang pahayag ni Megan Young, 35, tungkol sa pagkakaroon nila ni Mikael Daez, 37, ng supling limang taon mula nang sila ay ikasal.
Read: Megan Young and Mikael Daez: Making Love Last Forever
Pagpapatuloy ni Megan: "Because pinag-usapan namin ito ni Mikael na, siguro kung nabuntis ako like after nating magpakasal...
"Although, yes, we’ll be ready, ihahanda talaga namin ang sarili namin, but I would be a different person at that time.
"Mentally, I’m more immature, even though thirty na ko nung time na yon. I’ll be more focused on how I’ll grow our business, yung pagko-content namin, pag-aartista namin.
"How will I grow as an artist and how will I take care of my marriage, of course."
Sampung taong magkasintahan sina Megan at Mikael bago sila kinasal noong January 10, 2020.
Dagdag ni Megan, "So, I’m happy na na-enjoy namin ni Mikael ang marriage life na kaming dalawa lang, and now we got Leon.
"This is the right time because I did a lot what I wanted to do nung single ako at kaming dalawa lang ni Mikael."
May 20, 2025 nang isilang ang supling nila na si Leon.
Ayon kay Megan, dumaan daw siya sa postpartum blues.
II would say, two months siguro. Naramdaman ko yung intense sadness, intense emotion, intense happiness. Lahat extreme, e.
"Hindi ko napipigilan yung masaya ko, na naiiyak talaga ko. Hindi naman ako ganun talaga.
"Si Mikael, sobrang maloko siya, ma-joke siya. Minsan nag-joke siya, pumitik ako sa kanya.
"Pero after kong masabi, sabi ko, 'Sorry ha, hindi ko talaga napipigilan ang emotion ko.'"
Malaking bagay daw ang pagsuporta at pag-iintindi ni Mikael sa kanya.
"Thankfully, tinulungan niya ko sa pag-process ng lahat ng emotion na yun, whether it’s extreme happiness, extreme sadness or extreme anger.
"Kaya feeling ko, mga two months lang yung ganung extreme emotions ko because he really helped me process [it]."
Read: TIPS: How to avoid sliced apples, other fruits from turning brown
MEGAN YOUNG ON DEALING WITH "MOM GUILT"
Bilang first-time mom, naranasan din daw niya yung wala siya halos oras sa sarili. Na parang gusto niyang akuin lahat ng responsibilidad.
Lahad ni Megan: "If I’ll be very honest, noong umpisa talaga, hindi ko naaalagaan ang sarili ko. And that’s one thing I’m grateful again for my husband, si Mikael.
"Kasi, lagi niya akong pinapaalalahanan na, 'Ano ang gusto mong gawin? Ano ang gusto mong gawin sa sarili mo?'
"Of course, as a mom, you have lots of responsibility. Sabi niya, 'Wag mong kalimutan ang sarili mo. Alam ko na gusto mong gawin to, ako na ang bahala.'"
Natuto raw silang magtulungan bilang mag-asawa.
"So, having that assurance from him helps me get out of that role, that mom guilt na, oo nga, 'no? Team naman kayo rito as husband and wife, dapat hati rin kayo sa responsibility.
"Ayokong sabihin na ipinagdadamot ko, but I guess, it’s a mom thing to do everything. Na, 'Ako na ang bahala rito, kaya ko na to.'
"Pero dapat matutunan ko rin na, kaya rin naman ni Mikael. Kahit na injured siya ngayon, kayang-kaya niya yon,” natawang saad ni Megan.
Nagkaroon din daw ng mixed emotions si Megan nang ma-injure si Mikael at kinailangang operahan ang achilles tendon noong Agosto.
"Totoo yon, it was very hard noong na-injure si Mikael noong August. Kasi, three months postpartum pa lang ako nun.
"So, ang unang pumasok sa isip ko, 'Shocks, okay lang ba siya? Is he fine? May mangyayari ba sa kanya? Gaano kalala ang injury niya? Makakalakad ba siya?'
"Tapos, pangalawa run, sino ang tutulong sa akin na mag-alaga ng baby? So sabi ko sa kanya, noong una talaga, nainis ako. 'Sabi ko naman, mag-ingat ka.'"
Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy
ON TEAMUP WITH HUSBAND MIKAEL DAEZ
Mabuti na lang daw at maganda ang komunikasyon nilang mag-asawa.
"But at the end of the day, it’s something that we can't really control. Hindi naman niya kasalanan na bigla na lang na-tear ang achilles tendon niya.
"At the end of the day, yes, naramdaman ko yung mga emotion na yon. In-admit ko yon sa kanya. But, we talked about it, and at the end of the day, 'I’m here to support you and I’m here na gumaling ka sa injury na to.'"
Pabirong hirit pa raw niya kay Mikael, "Sabay na kayong maglakad ni Leon."
Kilala silang mag-asawa na mahilig kumain sa labas at mag-travel.
Nagbago raw ang routine nila ngayong may anak na sila.
"Mas sa bahay lang kami, to be honest. Bahay lang muna. Team Bahay muna for now," natawang pagbabahagi pa ni Megan.
"So yung mga movie nights namin, naging Netflix nights. We have weekends with friends and family, so minimal na lang siya.
"Ang wish ko, makapag-travel kami soon. May passport na si Leon. Puwede na siyang mag-travel."
Pagkatapos ng apat na buwan na makapanganak siya, ngayon daw ay nagagawa na niyang makapag-workout at makapunta sa nail salon para mag-me time.
Aniya, "Maliliit na bagay, pero I feel better that I can take care of myself while I’m taking my baby."
Read: Veejay Floresca auditioned 13 times in Project Runway
ON WORK ENGAGEMENT AFTER GIVING BIRTH
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa media launch niya bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners na ginanap sa Café Romulo noong October 3, 2025.
Sabi niya, “I’m very happy and honored to be part of the Sisters family. I think, it’s my first endorsement after giving birth. So, thank you to Sisters, Megasoft Hygienic, Inc. for trusting me with this brand.
Menstrual pants daw ang una niyang hininging produkto sa sanitary napkin brand.
"Kasi, alam ko talaga na yun ang magagamit ko sa hospital after giving birth and even after two weeks of giving birth. Kasi siyempre, nagbi-bleeding pa."
Nagpasalamat din si Megan dahil sa oportunidad na natanggap kahit bagong-panganak pa lang siya.
"Siyempre kasi before, sinasabi nila na kapag nagka-anak ka, parang hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa career mo, baka maging nanay ka na lang.
"But I guess, times are really changing. It’s really showing people the modern mom and that you can do everything even after giving birth.”
