PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Katrina Halili always joins Katie's bonding with dad Kris

Katrina on Katie's special needs: "Wag nating sukuan ang mga anak natin."
by Melba R. Llanera
Published Oct 28, 2025
Katrina Halili always joins daughter Katie's bonding with Kris Lawrence
Left photo: Katrina Halili says she devotes more time with daughter Katie now that she has more leeway to manage her time. Right photo: While Katie spends time with dad Kris Lawrence, Katrina joins them to supervise as part of her co-parenting setup with Kris.
PHOTO/S: @katrina_halili / @imkrislawrence Instagram

Hindi inakala ni Katrina Halili na kagigiliwan ang bonding nila ng anak na si Katie.

Si Katie ay anak niya sa ex-boyfriend na si Kris Lawrence.

May mild autism si Katie.

At sa mga videos na ibinabahagi ni Katrina ay makikita ang pagmamahal at pag-aalaga niya kay Katie, na labis na ikinatutuwa ng netizens.

Marami ang bilib kay Katrina sa kung paano nito pinapalaking masayahin, mabait, at marespetong bata si Katie.

"Happy ako na marami kaming napapasaya at nai-inspire sa social media," bungad ni Katrina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Di namin ine-expect talaga. Katuwaan lang siya tapos naging ano na siya... di nga libangan, trabaho na siya.

"Kahit papaano nakakatulong sa amin," pagtukoy niya sa paggawa nila ni Katie ng vlogging content.

Ayon kay Katrina, maraming magagandang katangian si Katie na hinahangaan ng netizens.

"Sobrang sweet, smart, tapos makulit talaga," paglalarawan ng Kapuso actress sa anak.

Hiningan ng PEP ng advice si Katrina para sa ibang mga magulang na may anak na may mild autism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wag nating sukuan ang mga anak natin. Kailangan talaga tayo ng mga anak natin, na yung oras natin mas kilalanin natin sila.

"Hindi lang yung basta nagbibigay tayo ng oras, kasi yan din yung kulang ko before, kulang ako sa oras, puro ako provide.

"Pero ngayon na marami na ring nabawasan na mga bayarin—bahay ko bayad na— kahit papaano nakakapagbigay na ako ng time sa anak ko. Priority talaga," diin ni Katrina.

Read: Kris Lawrence, pinuri si Katrina Halili sa pagpapalaki kay Katie

KATRINA HALILI ON KATIE SPENDING TIME WITH DAD KRIS LAWRENCE

Nasusubaybayan din ng netizens ang magandang samahan ni Katie at ng amang si Kris.

Kung minsan ay nagpo-post din si Kris sa social media ng mga date nila ng anak.

Suportado raw ito ni Katrina.

"Happy for them. Sa ngayon busy siya, may mga concerts siya, nagme-message siya sa akin," tukoy ni Katrina kay Kris.

Ibinahagi ni Katrina na kasama siya kapag lumalabas ang mag-amang Katie at Kris para masigurong nasu-supervise niya ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Katrina: "Sa ngayon di ko pinapahiram na ano lang... kailangan kasama ako kasi dalaga na si Katie.

"Iba na kasi yung dati, ngayon dalaga na.

"Di pa rin marunong na mapabayaan ko na ibigay ko kay Kris kasi siyempre di naman niya kasama lagi si Katie.

"Mahirap, kailangan kasama ako."

Read: Pinoy celebrities who lost endorsement deals

ON KATIE'S SCHOOL SET-UP

Isa sa mga madalas na ibinabahagi ni Katrina ay ang paghatid niya kay Katie sa school o kaya ay paghanda niya sa mga pangangailangan nito.

Nang kumustahin ng PEP ang pag-aaral ni Katie, nagbigay ng update ang aktres.

Lahad ni Katrina: "Actually, nahihirapan na ako kaya pinull out ko na siya sa school, dun sa public. Pero dun pa rin siya.

"During may events kasama siya, tapos pag may exam, pumupunta ako pag mag-e-exam siya.

"Home-schooled siya, tapos binibigyan siya ng mga activities."

Sa Batangas nag-aaral si Katie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang hirap bumiyahe nang bumiyahe ng Batangas, lalo na thirteen na siya, kailangang subaybayan natin.

"Kailangan ng guide. Mahirap magdisiplina ng anak pag magkalayo kayo and magastos. Sa Lipa siya, tapos Manila ako. Uwi nang uwi every week."

Read: Katrina Halili, proud stage mom to daughter Katie

ON WORKING WITH JENNYLYN MERCADO

Napapanood ngayon si Katrina sa Sanggang Dikit FR, ang Kapuso primetime series na pinagbibidahan ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Para kay Katrina, masaya siya na natupad ang hiling niya na makasama ang mga ito sa isang proyekto.

"Matagal ko nang wini-wish talaga. Actually, last year sabi kasi sa akin ni Tito Boy [Abunda], 'Sino kaya yung gusto mong makasama sa work?' Sabi ko, 'Feeling ko si Jennylyn kasi ang tagal ko na nun di nakakatrabaho, e.'

"'Sa leading man, sino?' 'Si Dennis.' Nung nagpunta ako sa Sanggang Dikit, pagsabi ko biglang nangyari.

"Nakakatuwa kasi last time na nag-work kami 2005 pa, Forever In My Heart, umaarte pa nun si Ms. Regine Velasquez nung panahon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Super happy ako."

Paglalarawan niya pa kay Jennylyn, "Si Jen ay very professional."

Magkapanabayan sila bilang alumni ng StarStruck Season 1 noong 2003.

"Siyempre para kaming magkakapatid, so tinitingnan ko as kami, wow nandito pa rin kami, so sobrang blessed."

Iba na raw ang takbo ng usapan nila ngayon kumpara noon.

"Nakakatawa kasi ano na kami, palabasan ng vitamins. Yung vitamins na ang binibida. 'Ako ginagamit ko ito.'

"Tapos maiisip ko, nakakatawa tayo, 'no? Heto na talaga ang binibida natin, mga vitamins, mga supplements na iniinom natin.'

"Talagang nagbago na. Dati di kami nagkukuwentuhan, nonchalant kaming dalawa. Hi, hi lang kami. During Starstruck hindi, hindi kami close nun."

Read: Katrina Halili in mourning period when she was told "Nanalo ka ng award!"

NOT ENTERTAINING SUITORS

January 28, 2024 nang sumakabilang buhay ang boyfriend ni Katrina na si Jeremy Guiab dahil sa atake sa puso.

Tinanong namin si Katrina kung bukas na ba siyang mag-entertain ng mga manliligaw ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay no, wala akong time, gusto ko anak ko lang. Wala rin naman pero ayoko. Walang oras," sagot ng aktres.

Nakapanayam ng PEP si Katrina sa ribbon cutting ng Nazareth Institute of Alfonso sa Alfonso, Cavite noong October 20, 2025.

Ang businessman na si Wilbert Tolentino ang bagong may-ari ng Nazareth Institute of Alfonso.

Si Katrina ay isa sa mga dumalo sa event.

"Support ko kay Sir Wilbert Tolentino sa school niya. Malapit talaga sa akin si Sir Wllbert, mahal na mahal ko po yun, lagi siyang nandiyan para sa akin and ako rin naman.

"Kahit anong tulong na puwede nating itulong, ibibigay natin," pagtatapos ni Katrina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo: Katrina Halili says she devotes more time with daughter Katie now that she has more leeway to manage her time. Right photo: While Katie spends time with dad Kris Lawrence, Katrina joins them to supervise as part of her co-parenting setup with Kris.
PHOTO/S: @katrina_halili / @imkrislawrence Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results