PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Judy Ann Santos gets her kids to confide in her

Judy Ann: "Kailangan nilang maintindihan na safe place ka nila."
by Melba R. Llanera
Published Nov 6, 2025
Judy Ann Santos reveals how she gets her kids to confide in her
Judy Ann Santos shares tips on how she creates a safe space for her kids Yohan, Lucho, and Luna.
PHOTO/S: @officialjuday / @ryan_agoncillo Instagram

Tinuruan ni Judy Ann Santos, 47, ang mga anak na magkaroon ng open communication sa kanila ng asawang si Ryan Agoncillo, 46.

Iyon daw ang daan para huwag mangiming magsabi ng anumang suliranin ang mga ito.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann pagkatapos siyang ilunsad bilang bagong endorser ng Kyowa.

Naganap ang event sa Seda Hotel noong October 24, 2025.

"Kausapin mo sila na parang kaibigan, pero nandun pa rin yung pagiging magulang.

"We talk to them calmly para hindi sila matakot to open up.

"Basically, we would make them understand na we're just talking and we're not judging them. 'We will listen and we won't judge. Tell us what happened.'

"Kumbaga, kailangan nilang maintindihan na safe place ka nila," lahad ni Judy Ann.

Tatlo ang anak nina Judy Ann at Ryan—sina Yohan, 18, Lucho, 15, at Luna, 9.

Gusto raw ni Judy Ann na tumatak sa mga ito na hindi nila kailangang magtago sa kanila ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag pa ni Judy Ann: "Kasi ang pinakamaganda na mangyari sa relationship ng isang magulang para sa mga anak niya is yung mga words na, 'Sabihin ko muna kila Mommy and Daddy, wait lang.'

"Kaysa sabihin nila, 'Please wag niyong ipaalam sa mga parents ko. Ang laki ng difference nun, magkaiba ang ibig sabihin nun.

"I would rather na sabihin mo sa akin kung ano yung maling nagawa mo. Mas mabuti pa na manggaling sa iyo kaysa sa iba pang tao galing.

"Para we can solve it together, we can deal with it together. So we can understand what's going on, so I can guide you, and I can support you. So may ganung usapan."

Read: Felicia Atienza says Emman's death gave her "the deepest pain"

JUDY ANN SANTOS ON TALKING TO KIDS ABOUT BASHERS

Ginagabayan din daw niya ang mga anak pagdating sa pag-handle ng social media, lalo na raw sa bashers na gumagawa ng kuwento kahit hindi totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unang-una, especially with Luna, kasi I allow to use my phone sometimes. Unang-una napakatalamak ng AI ngayon.

"Pinapakita ko sa kanila, "O, you see they are using Mommy and Daddy to sell stuff. You don't believe in everything that you see in social media platforms. Until mayroon talagang legit channel na naglabas niyan then it'a fine.'

"My god! They can actually copy your voice and actually sound like you. Sabi ko, 'That's why you have to be careful of these things.

"Social media can be very cruel. It can be very rude."

Wala pa naman daw social media pages sina Lucho at Luna.

Tanging si Yohan pa lang ang may YouTube Channel na Yohan Jams para sa passion nito sa music.

"I mean, hindi naman sila super active. Wala silang mga sariling pages o channel.

"Yohan lang has Yohan Jams. And I will tell her, 'Okay, if you're ready to read the comments section, I'm just telling you na not everyone will like you. Ganun talaga ang mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"'May iba diyan na sasadyain nila talagang buwisitin ka para sumagot ka.' Tanong niya, 'Why is it Mama? Why will they do that?'

"'To get your attention. May ganun lang talaga. Di ka nakuha sa 'Hi, hello. Yohan ang ganda mo.'

"'Dadaanin ka nila sa 'Ang pangit mo.' Lalaitin ka para sumagot ka.' Then pag sumagot ka, nakuha na nila ang attention mo. E, di panalo sila.'"

Kaya tinuturuan daw ni Judy Ann si Yohan na wag magpaapekto sa bashers.

"'Don't read the comments. Just do what you want to do which is singing. Continue it, otherwise maapektuhan ang ginagawa mo.

"'Maapektuhan yung performance mo in school, in whatever decisions you're gonna make.'

"Pinag-iingat namin sila. Hangga't maaari nakabantay talaga kami," sabi pa ni Judy Ann.

Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?

ON MARRIED LIFE

May 16 taon nang kasal sila Judy Ann at Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob ng mahigit isang dekadang pagsasama, nanatiling matatag ang kanilang pagsasama.

Ano ang sikreto nila bilang couple?

Sagot ni Judy Ann sa PEP, "Palagay ko importante yung kaya ninyong pagtawanan ang isa'ti sa. Malaking factor.

"Yung respeto lang sa space kasi may mga moments na kahit magkasama kami every day, may times na ayaw magsalita nung isa, di rin magsasalita yung isa.

"Kumbaga, okay lang yun. Okay lang you have your own time and ganito."

Kakaiba rin ang quality time nilang mag-asawa.

Pagbabahagi ni Judy Ann: "Malaking factor din siguro na nakakatulong sa amin na may banyo nights kami.

"Nag-uusap kami sa banyo. Halimbawa tulog na yung mga bata, nagtu-toothbrush, ganyan.

"Nag-uusap kami, nagkukuwentuhan kami sa mga nangyari sa buong araw namin, o pagtsitsismisan namin kung ano ang mga issue.

"Minsan walang kapararakang bagay, or kung sino ang napanood namin.

"O minsan malalim, it's about life. Minsan about Yohan or Lucho o Luna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simple lang daw ang kaligayahan nila.

"Importante na napagtatawanan ninyo yung mga bagay-bagay, and yes it's important you spend time together.

"Di naman kailangan lumabas kayo ng bansa. Di naman kailangang magastos."

Dagdag pa ni Judy Ann, "Puwede namang mag-picnic lang kayo sa park or little things that will actually give you time together, okay na okay na ako dun.

"Di siya kailangan na maging magarbo. Being together is more than enough for me."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos shares tips on how she creates a safe space for her kids Yohan, Lucho, and Luna.
PHOTO/S: @officialjuday / @ryan_agoncillo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results