Walang problema kay Rodjun Cruz kung sakaling gustuhing maging artista ng panganay niyang anak na si Joaquin.
Ayon kay Rodjun, sinasama nila ng asawang si Dianne Media ang kanilang mga anak sa set sa GMA-7.
At nakita raw ni Rodjun ang interes ni Joaquin sa kanyang trabaho.
Dalawa ang anak ng couple: si Rodolfo Joaquin Diego, 5, at Maria Isabella Elizabeth, 1.
"Kasi nung pinapanood niya ako sa Stars On The Floor sabi niya, ‘Daddy I want to be like you!'" tukoy ni Rodjun kay Joaquin.
Pagpapatuloy ng Kapuso actor: "Tapos nung nag-champion ako, iyon yung pinakamasarap na feeling na sinabi nga ni Joaquin na, ‘Daddy I’m so proud of you, champion!’
"Si Isabella ganun din. Actually nanood sila nung finals ng Stars On The Floor. Kasama sila sa studio, yung wife ko si Dianne, si Rayver.
"Kaya siguro mas ganado rin talaga tayo mag-perform kasi nanonood yung family and in-enjoy ko lang talaga yung competition nung araw na yun.
“Kasi fulfillment na and very happy talaga yung nararamdaman ko nung nanood sa akin yung family ko. Sila talaga yung nagbigay ng lakas sa akin."
Sina Rodjun at Dasuri Choi ang nanalong The Ultimate Dance Star Duo sa grand finals ng Stars On The Floor ng GMA noong October 18.
Nagwagi sila ng cash prize na nagkakahalaga ng P1M.

Read: How Dianne Medina, Rodjun Cruz share household expenses
RODJUN CRUZ: NO MORE BABY PLANS
Samantala, nang tanungin si Rodjun kung plano pa nilang magka-baby ulit bukod sa dalawang anak, ang natatawang sagot ng aktor, "Okay na po kami, okay na."
Sabay paliwanag niya: "Opo kasi sobrang thankful ako kay Lord dahil una, talagang nag-pray ako na sana bigyan ako ng baby boy tapos binigay sa amin si Joaquin.
"Tapos yung second baby nga, nag-pray ako na, 'Lord sana baby girl.’ Para pag baby girl okay na quota na, meron ng baby boy, meron ng baby girl.
"Kung ako gusto ko pa ng isa. Pero siyempre ang hirap din kasi sa mga babae.
"Kaya salute sa mga nanay kasi nandun din ako nung talagang sa pagbubuntis, yung journey ni Dianne talaga, mahirap talaga.
"Kaya salute sa mga nanay, sakripisyo talaga, at pagmamahal."
Naikuwento ni Dianne sa hiwalay na ulat ng PEP ang mga pinagdaanan niyang health conditions noong siya ay huling nagbuntis kay Isabella. Sinabi rin noon ni Dianne na okay na sa kanya ang dalawang anak nila ni Rodjun.
Ano ang best part sa pagiging ama?
Sagot ni Rodjun, "Best part siguro na sila yung naging inspirasyon ko ngayon, sila yung strength ko.
"Yung pag umuuwi ka lang sa bahay na hinahalikan ka, na inaakap ka, parang every day the best feeling na parang nilalambing ka ng pamilya mo, yung asawa mo, yung anak mo.
"Kaya parang every day thankful ako kay Lord gusto kong gumawa ng mabuti palagi.
"Kasi iyon yung parang, 'Lord thank you for blessing me so much more than I deserve.'
"Kasi ang ganda na ng misis ko, ang guwapo ng anak ko si Joaquin, tapos ang ganda ni Ysabella. Sobrang malalambing na bata talaga.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa costume party at media launch ng wellness brand na Purple Hearts noong November 7, 2025. Ginanap ang event sa Le Reve Pool and Events Venue sa Sct. Esguerra Avenue sa Quezon City.
Kabilang sa mga produkto ng Purple Hearts ay ang Immuni Boost (for immunological support), Mighty Boost (for physical growth) at Smarty Boost (for cognitive performance and focus).
Read: Resigned Miss Universe 2025 judge: "Miss Mexico is a Fake winner"
RODJUN CRUZ ON NEXT PROJECT
Sa ngayon, hindi pa alam ni Rodjun kung ano ang susunod niyang proyekto.
"Si Lord na ang bahala what’s next for me," ang nakangiting sagot ni Rodjun.
"Sobrang positive mind na ako ngayon kasi sobrang achievement na nag-champion po tayo sa Stars On The Floor. Makasama lang po tayo sa Stars On The Floor winner na kasi lahat naman talaga doon magagaling. Tapos bonus na, na nag-champion tayo.
"So kung ano yung will sa akin para ni Lord."
Kung anuman ang oportunidad na ibigay sa kanya ng home network ay game siya.
"Alam niyo naman tayo, kami ni Rayver, ano tayo, e, gagawin natin ang lahat basta ipagkatiwala sa amin kung anong work.
"Kung singing yan, dancing, acting, lahat yan binibigay namin yung one hundred percent namin."
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe 2025 Top 5 Final Q&A portion
ON BROTHER RAYVER CRUZ
Dahil maganda ang karanasan ni Rodjun sa buhay may-asawa, mairerekomenda ba niya sa kapatid niyang si Rayver na lumagay na rin sa tahimik?
Going strong ang relasyon ni Rayver at nobyang si Julie Anne San Jose.
"Yes, sigurado na yan sa future," bulalas ni Rodjun.
Ayon kay Rodjun, seryoso ang kapatid sa pakikipagrelasyon nito kay Julie Anne.
"Ganun naman yun, e. Kami kasi ni Rayver talaga sobra kaming magmahal. And yung mga magulang ko in heaven, si Mama and Papa, napalaki kaming mabuting magkakapatid.
"So sigurado na yan, yung future na yan."
Paglalarawan pa niya kay Ravyer, "Kasi si Rayver sobrang bait na bata rin talaga niyan at mapagmahal, God-fearing.
"So yung future alam niya na yan, malaki na siya, e."
Tingin ni Rodjun, handa na rin si Rayvver maging asawa at ama kung sakali.
"Ready na yun! Actually, nag-uusap kaming magkapatid, always naman every day.
"Pero siyempre ayoko siyang i-pressure. Ayoko siyang unahan kasi siyempre kung ia-announce niya masu-surprise pa ba tayo? Di ba?
"Hayaan natin na… Ang important masaya siya, alam niya kung saan patungo, and very mature enough na siya.
"And ready na yun, ready na yun para sa future."
Natawa pang sinabi ni Rodjun na hindi na niya kailangang bigyan ng advice si Rayver.
"Actually, kuya lang naman ang tawag sa akin ni Rayver pero older lang ako sa kanya ng one year [and] nine months.
"And mature din mag-isip si Rayver and deserve niya lahat ng blessings, kasi si Rayver hindi nagbabago sobrang humble.
"So lahat ng love pati kung paano sila ni Julie naging inspirasyon sila sa bawat isa. Ang dami nilang napapasaya na tao.
"And alam ko na darating din ang time na mapapasaya nila yung bawat isa forever," pagtatapos ni Rodjun.
