PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EXPLAINER: Can a father stop child support if denied visitation?

Lawyers shed light on the issue of financial support and visitation rights.
by Bernie V. Franco
Published Just now
Patrick Garcia, visitation rights
What does the law says about a father's visitation rights? What if he has lapses with his financial support? Here's what you need to know.
PHOTO/S: Canva / Ogie Diaz on YouTube

Puwede bang itigil ng ama ang pagbibigay ng sustento sa anak nito kung ang katwiran ng ama ay wala siyang pera o kapasidad na magbigay ng sustento?

Isa ito sa mga katanungan ng netizens kasunod ng pagsasalita ni Patrick Garcia ukol sa anak nila ni Jennylyn Mercado.

Sina Patrick at Jennylyn at nagkaroon ng karelasyon noong 2007. Nagbunga ito ng isang anak, si Alex Jazz, na ngayon ay 18 years old na at nasa poder ni Jennylyn.

Sa recent interview ni Patrick, ikinuwento nitong may mga panahong tila ipinagkait daw ni Jennylyn na makita ng aktor si Jazz.

Isa raw itong rason, bukod sa kawalan umano ng mga proyekto at trabaho, kaya hindi siya nagbibigay na sustento.

May mga netizens na nag-usisa kung puwede bang itigil ang pagbibigay ng sustento kung ipinagkakait ipakita ang anak?

CHILD SUPPORT AND VISITATION RIGHTS

May theoretical explanations sina Atty. Rhina Seco at Atty. Cherryl Adami-Molina sa kanilang programang Dos Kompanyeras sa DZRH noong August 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito po ay hindi puwedeng gawin. Magkaiba pong isyu yung tungkol sa pagsusustento at magkaiba pong isyu yung tungkol sa kustodiya or visitation rights,” ani Atty. Rhina.

“Dahil hindi po dapat nakadepende sa anumang kondisyon, maliban sa kakayanan at pangangailangan, yung pagbibigay ng sustento.”

Iginiit na dapat unahin ang kapakanan ng bata.

Sinabi rin ni Atty. Rhina na karapatan ng non-custodial parent na makita ang anak, pero ang kabig niya: “Unless, of course, merong rason o dahilan para pagkaitan siya ng ganitong karapatan.”

Bagama't hiwalay na ang magulang at ang kustodya ay nasa ina, may visitation rights pa rin daw ang ama.

Tungkol sa halaga ng sustento, sinabi ni Atty. Cam na “provisional” at nangangahulugang puwedeng tumaas o bumaba ang halaga.

“Dahil subject doon, depende sa pangangailangan at kakayanan at may pagkakataon na nawawala din. Maaari pong magtapos yung obligasyon sa pagsusustento sa anak.

“Pero sa asawa, habang kasal pa kayo, ay nandodoon. Unless, of course, yung humihingi ng sustento, nagbigay ng dahilan para tanggalan siya ng sustento."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit naman ni Atty. Rhina: “Mandatory ang pagbibigay ng sustento. At kung sinasadya ang hindi pagbibigay ng sustento, samantalang established naman ang obligasyon sa pagbibigay at karapatan ng tatanggap nito, maaaring pumasok sa R.A. 9262,” na ang tinutukoy ay ang Violence Against Women and Children (VAWC).

Ang isa pang dahilan ay kung nagpo-pose ang ama ng anumang klase ng banta sa bata.

WHEN DOES IT BECOME AN ABUSE?

Ano ang basehan para makapagreklamo ng VAWC ang nanay ng bata sa tatay na hindi nagbibigay ng sustento?

“Obligasyon ng lalaki na magbigay ng kanyang bahagi ng pangangailangan ng anak,” sabi ni Atty. Enrique “Buko” Dela Cruz Jr., dean ng Baliuag University College of Law, sa ABS-CBN 2024 video.

Kahit daw hindi kasal, kailangang magbigay ng sustento ang ama sa bata.

Hayag ni Atty. Buko, hindi naman kailangang ibigay ang lahat ng pangangailangan, pero dapat ay magkatuwang sila ng ina sa pagsuporta sa bata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung hindi nagbibigay ng sustento, puwede raw sampahan ng criminal case ang tatay lalo na kung napatunayan ang dalawang bagay: (1) Hindi sapat ang sustento (2) Ginagamit ang sustento bilang pananakot.

Sabi ng abogado: “Hindi mo nga siya sinasaktan, pero ginagamit mo yung hindi pagbibigay ng sustento para pasunurin siya sa bagay na gusto mong makuha sa kanya.

“Ibig sabihin ginagamit mong tool yung pagbibigay ng sustento… para makontrol ang kanyang behavior, para takutin siya, para gamitan siya ng violence na hindi pisikal.”

Itinuturing daw itong economic violence na nagdudulot ng psychological harm sa babae at sa bata. Paglabag daw ito sa R.A. 9262.

Ang sabi naman ni Attorney Chel Diokno, kapag napatunayang nagkasala sa economic abuse, maaaring makulong ng six months hanggang six years ang inireklamong magulang.

Nakasaad din daw sa VAWC na ang di pagbigay ng tamang sustento at sadyang pagdudulot ng mental at emotional anguish ay may parusang six to 12 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon din itong penalty na PHP100,000-PHP300,000.

NO JOB, NO MONEY CLAIMS

Paano naman kapag ang katwiran ng nagsusustentong magulang ay wala siyang trabaho o walang pera?

Sinagot ito sa Frequently Asked Questions sa website ng FCB Law Office.

Sabi rito, titignan ng korte ang “capacity and resources” na puwedeng kinabibilangan ng mga negosyo, properties, at iba pang “objective indicators depending on available evidence.”

Sabi rito: “Your best approach is to stay credible and focus on documents, not rumors or social media speculation.”

Kung mapatunayan ngang limitado talaga ang kapasidad ng paying parent, “the court will weigh that reality, which is why accurate evidence is important for both sides.”

Paano naman kung ipinagkakait sa ama na makita ang bata?

Karapatan pa rin ng ama na magkaroon ng visitation rights.

Ani Attorney. Tony Roman, congressman ng 1st District of Bataan, maaaring dumulog ang ama sa local Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Puwede rin siyang kumonsulta sa abogado para maghain sa korte ng Petition to Enforce Visitation rights.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What does the law says about a father's visitation rights? What if he has lapses with his financial support? Here's what you need to know.
PHOTO/S: Canva / Ogie Diaz on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results