PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan believes in sharing household chores with his wife

On fatherhood: "Hindi mo yun masasabing alam mo na until you experience it."
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago | Updated
Cedrick Juan talks about being a father for the first time
Cedrick Juan is a hands-on father to Baby Rocio: "Hindi mo yun masasabing alam mo na until you experience it."
PHOTO/S: Arniel Serato / @cedrickjuan on Instagram

Tumatak na sa Pinoy moviegoers ang galing ng aktor na si Cedrick Juan sa pagganap niya bilang Padre Jose Burgos sa historical film na GomBurZa.

Siya ang hinirang na Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023.

Cedrick Juan bagged the Best Actor trophy at MMFF 2023 for GomBurZa.
Cedrick Juan bagged the Best Actor trophy at MMFF 2023 for GomBurZa.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: NEW ENDORSER ALERT: Heart Evangelista for Viomi Water Solutions

CEDRICK JUAN ON BEING A FATHER

Matapos ang lagpas sa isang taon ng kanyang pagkapanalo, maraming milestones na nangyari sa kanyang buhay.

Inanunsiyo niya ang engagement nila ni Kate Alejandrino sa isang Instagram post noong February 18, 2025.

At makalipas lamang ang halos anim na buwan, noong Hulyo 21, 2025, inanunsiyo niya ang pagkakaroon nila ng baby.

Pero isang buwan muna nilang inilihim ang panganganak ni Kate bago ito isapubliko.

Cedrick Juan, Kate Alejandrino and Baby Rocio.
Cedrick Juan, Kate Alejandrino, and Baby Rocio.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CEDRICK JUAN ON FATHERHOOD

Ano ang naidulot na kasiyahan sa kanya ng pagiging isang ama kay Baby Rocio?

"It's really more on prioritizing my schedule and my plans and being intentional about it.

Maituturing din daw niya itong dagdag na blessing.

"Oo naman. I think ano naman siya, e, since it's ano, in good intention naman tayo with everything.

"Having a baby rin naman, I think it adds up to the layers of me as a human being and, at the same time, as an actor din.

"Parang mas kumapal pa siya kasi yung, yung part na iyon ng pagiging tao, pagiging magulang, hindi mo yun masasabing alam mo na until you experience it."

Nabago ba siya ng fatherhood?

"Hindi. I think mas nabago yung pagpa-prioritize ko ng schedule at oras and intention sa buhay."

CEDRICK JUAN HELPS WITH THE HOUSEHOLD CHORES

Hands-on dad ba siya?

"I am. I am hands-on po. As much as possible, bina-balance ko yung life ko as an actor, as a father, and as a husband."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumutulong ba siya sa gawaing bahay?

"Well, lumaki po ako, lumaki po ako na marunong ako sa gawaing bahay.

"So normal siya sa akin na siyempre kailangan magpahinga ng asawa ko, ako, maglilinis ako. I think that's normal.

"Parang dapat wala na tayong gender role lang na pagdating sa household chores ay babae lang.

"So sanay po ako sa ganun. So wala po siya problem sa akin."

Ano ang mga worries niya para sa anak? Tarantahin ba siya halimbawa kung bigla na lang itong umiiyak?

"Oo naman. Siyempre, pag may sakit po, yun po yung mahirap na, na ano natin, na nararanasan nila na sana hindi laging mangyari.

"And, at the same time, siyempre, nandiyan lagi yung future stability na lagi iniisip.

"Siyempre eventually mag-aaral po siya. And siyempre, yung time together with my wife. I think yun naman yun.

"Na parang kahit magulang na kami ngayon, dapat hindi mawala yung kami, kami muna yung nagsimula bago kami nagkaanak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, kasama si Cedrick sa short film entry na They Made Monster para sa QC Short International Film Festival na magsisimula mula November 13 to 22.

Mapapanood ang mga entries sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM Cinema – SM City Fairview.

View this post on Instagram

A post shared by Cedrick Juan (@cedrickgjuan)

Read: Thea Tolentino tells Mikee Quintos not to mind her wedding

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan is a hands-on father to Baby Rocio: "Hindi mo yun masasabing alam mo na until you experience it."
PHOTO/S: Arniel Serato / @cedrickjuan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results