Angelu de Leon admits tension among her kids: "Naayos naman."

Angelu de Leon notes that the extension of Buena Familia for the nth time brings back the days when soaps seemed to go on forever: "Nakakatuwa! Parang we really just want to give the viewers a good show, and it's working. So maraming-maraming salamat, kung hindi naman sila nanoood wala kaming extension."


"I know, right?" bulalas ni Angelu de Leon tungkol sa pagkaka-extend ng GMA drama series nila na Buena Familia.

"Pang-ilan na bang extension? Pangatlo kung sakali.

"Nakakatuwa kasi parang nagbabalik yung noong mga soap, yung tumatagal nang matagal na matagal.

"So nakakatuwa, parang...kasi kami, ginagawa lang talaga namin yung trabaho namin, di ba?

"Parang we really just want to give the viewers a good show, and it's working.

"So maraming-maraming salamat. Kung hindi naman sila nanoood wala kaming extension.

"More than anything, sila talaga. The credit has to go to them, sa mga viewers."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa taping ng Buena Familia sa Scout Gandia sa Quezon City noong January 25.

KIDS. Noong January 31 ang fourth birthday ng bunsong anak nina Angelu at Wowie Rivera na si Rafa.

Hindi pa ba nila ito susundan?

"Huwag muna! Ang hirap magpapayat, e," at muling tumawa si Angelu.

"Sabi ko, kailangan may beautification package na ako pagkatapos kong manganak."

May dalawang anak si Angelu sa previous relationships niya: si Nicole, 17, at si Loise, 14.

Nag-iisang anak na lalaki nila ni Wowie si Rafa.

Kaya aniya, "Favorite in a sense, kasi siya yung pinaka-youngest—only boy.

"Siya yung mas kailangan ng atensiyon among the rest, ganyan.

"At saka parang, pag sinasabi ko nga, sayang kasi nung mga panahon nila [the two girls], walang Instagram, walang Facebook e di sana sila yung laman ng.

"Dati sila ang laman ng film ko."

Noon nga kasi ay puro picture-taking sa ordinaryong kamera ang uso at hindi uploading ng larawan sa social media.

Hindi ba nakakaramdam ang dalawang anak niyang babae ng pagtatampo na mas naka-focus ang atensiyon nila sa bunso nilang anak?

"I don't think so.

"There was a time, kasi si Wowie, may isa pang anak [also from a previous relationship], si Renzo, who's twelve years old now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nagkaroon ng konting... how do you say it? Tension?

"Tensiyon ng atensiyon?

"With my second girl kasi, parang all of a sudden, naging middle child siya, e, si Loise.

"Pero sandali lang, it was just a matter of explaining and, you know, changing whatever needs to be changed.

"Siyempre nung kinasal kami, yung dalawang girls, sa amin nakatira.

"Si Renzo, hindi nakatira sa amin, so every weekend lang siya [bumibisita]."

Si Renzo ay nakatira sa kanyang mommy.

"So siyempre, biglang pag nagkakaroon ng time na pupunta yung si Renzo, naiiba yung plano namin.

"So parang ganun lang, parang... 'Bakit kailangang magbago ng plano?' Hanggang naayos naman," ang nakangiting pagtatapos ni Angelu sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN