Marian Rivera: "Lahat 'yan kaya kong i-give up para sa anak ko."

Marian Rivera on their activities this coming elections: "Si Dong na lang ang tanungin niyo diyan."


Motherhood has given Marian Rivera a lot of realizations.

Actually, sabi ko nga, ngayon ko nare-realize na ang pagiging isang ina pala ay, yokong gamitin yung term na sakrispisyo, kasi parang masyadong mabigat ang salitang sakripisyo.

Pero bilang isang nanay, lahat pala kaya mong gawin para sa anak mo," she told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at her renewal as the endorser of a tea drink.

She continued, “Kumbaga sabi nila, 'Uy, bakit ka nagpapa-breastfeed?'

May choice naman ako, e.

Puwede naman akong hindi magpa-breastfeed, kasi bakit magpapa-breastfeed ka, ang daming mangyayari sa boobs mo, sa katawan mo.

Pero lahat 'yan kaya kong i-give up para sa anak ko.

Lahat 'yan kaya kong gawin para sa anak ko.

"Kung health ang pag-uusapan, gagawin ko 'yan lahat para sa anak ko."

NEXT BABY. Are they planning to have another baby soon?

Kung kailan may ibigay si Lord.

Okay lang kung ano ang ibigay sa amin ni Lord, pero sabi ko nga, gusto ko yung age gap nila maayos.

Kasi, example, kung mabubuntis ako ngayon, kawawa si Zia.

Hindi na siya puwedeng magdede sa akin kasi marami akong gamot na iinumin para sa pagbubuntis.”

So after two years?

Mga ganun sana,” she replied.

How many kids does her husband, Dingdong Dantes, want?

Madami, kung ilan ang kaya.”

Five kids?

Ang dami na nun, okay na yun, ang dami na nun!” she said.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN