How Regine Velasquez manages to play with Nate even when she's sleepy

Regine Velasquez-Alcasid shares how she plays with son Nate: "...most of the time kasi, it's just the two of us. Nasanay na siyang kaming dalawa lang ang naglalaro, kumakamain, manood ng TV, at matulog."


This Holy Week, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, and their son Nathaniel James or Nate will be in Boracay.

Says the Poor Señorita star, it was the request of Nate.

“Si Nate kasi, in love na in love sa Boracay, kaya doon na kami pupunta.

“Ewan ko ba kay Nate, panay ang mention niya ng Boracay.

“Lagi niya akong kinukulit na, ‘Mommy, remember when we went to Boracay, remember?’ Paulit-ulit siya.

“Kaya sige, siya na ang masusunod, kaya nasa Bora kami this Holy Week,” the Asia's Songbird relates at the presscon of her upcoming soap.

They plan to spend three days of purely R & R before she resumes her taping for Poor Señorita.

“Suite cabana naman ang ni-rent namin sa resort hotel kunsaan kami naka-book.

“At least doon, may sariling swimming pool para puwedeng magbabad doon si Nate at si Ogie. Ako naman, matutulog!

“Kapag ganyang mahabang vacation, diyan ako babawi ng pahinga.

“Since nandiyan naman si Ogie, may makukulit sa paglaro si Nate habang ako ay tulog!”

PLAYTIME WITH NATE. But knowing her four-year-old son, he will likely insist playing with his mommy.

Regine adds, "Mangungulit 'yan! Gigisingin niya ako!

“Kapag nasa bahay kami, ang paraan pa naman niya para gisingin ako ay yung pinu-poke niya ako lightly sa face.

“Basta gano'n lang siya 'tapos paulit-ulit siya na, ‘Mommy, can you wake up and play with me?’

“Siyempre, bilang ina, hindi ko matanggihan ang anak ko.

“Ang ginagawa ko, makikipaglaro ako kahit ten minutes lang."

What if she's very sleepy?

"Minsan sasabihin ko sa kanya, ‘Can you sleep-sleep, mommy?’

“May sarili kasi kaming lengguwahe ni Nate. Yung sleep-sleep ay ira-rub niya ang ulo ko.

“Kapag ginawa niya ‘yon, nakakatulog na ako.

“Pero bago ako magpa-sleep-sleep ay nakapaglaro na kami.

“Gano'n kami kahit na ordinary days.

“Maglalaro kami pero kapag kailangan ko nang gawin ang isang bagay, I will tell him na si yaya na niya ang kalaro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero most of the time kasi, it’s just the two of us.

“Nasanay na siyang kaming dalawa lang ang naglalaro, kumakamain, manood ng TV, at matulog.

“May mga kalaro naman siyang ibang bata, lalo na kapag may school siya or pinapapunta ko sila ng yaya niya sa park para makipaglaro sa ibang kids.”

THE FAMILY THAT SLEEPS TOGETHER …Nate sleeps with her and Ogie at the master's bedroom.

“Pero he has his own room naman.

“Pag school nights, I make him sleep in his room.

“Pero lately, noong nagte-taping na ako, sa room namin siya ni Ogie natutulog kasi nami-miss ko siya.

“Kasi nga four din kaming hindi maghiwalay na mag-ina, di ba?

“Kapag nasa taping ako, lagi kong naiisip si Nate. Kaya pag uwi ko, gusto ko siyang katabi matulog.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN