Now that Marian Rivera is already a mom, a chat will not be complete without an update about her beautiful daughter Zia.
At Avon's Best of Beauty event series held on September 9, in Bonifacio Global City, Taguig City, she described her little angel as an active baby.
"Makulit, madaldal na rin siya 'tapos kung anong tinuturo ko, natututunan naman niya. Nagble-bless na siya."
Marian also laughingly revealed what she has so far taught her 10-month-old daughter, "Sabi ko nga ang anak ko kakaiba. Iyong mga mommies sinasabi, 'O, beautiful eyes.' Ako, hindi! Rat face. 'Anak, show me your rat face!' mga gano’n tinuturo ko, kakaiba."
Zia's "rat face" was shown in a video posted by Daddy Dingdong Dantes on Instagram.
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) asked Marian: Is a mommy's girl or a daddy's girl?
"Sabi nila kapag babae maka-tatay, I beg to disagree. Mukhang close kami ng anak ko, pero close rin naman sila ng tatay niya. Siguro iba iyong bonding ng tatay sa nanay."
Given that both of them are working, the couple see to it that at least one of them will be with Zia at home.
"Kapag mas maraming time ako para sa kanya, bonding talaga kami. 'Tapos once in while lumalabas kami. 'Tapos nag-school siya twice a week.
"So as much as possible, gusto naming kaming dalawa ni Dong, pero siyempre, si Dong minsan may trabaho, so ako lang nando’n.
"Minsan, ako naman may work, siya nando’n para kay Zia."
What's the most challenging aspect of motherhood?
The Sunday Pinasaya mainstay quickly answered breastfeeding.
"Kasi hindi talaga biro magpadede 'tapos nagtatatrabaho pa ako, 'tapos nagka-ngipin pa siya, dyusko! Nag-tumbling talaga ako.
?Pero sabi ko nga e lahat possible basta love mo talaga ang ginagawa mo at para sa anak mo.
"Sabi ko nga, paninindigan ko kasi ten months na anak ko, still nagdede pa rin siya sa 'kin na walang formula.
"At hindi siya madali kasi sa sasakyan, magpa-pump ako pauwi. Imbes na mag-rest na ako after, hindi.
"'Tapos in between kapag sa bahay natutulog siya, may segue ako, magpa-pump ako."
And the most rewarding part?
"Kapag naging nanay ka 'tapos iyong anak mo sinasabi na iyong salita na 'mom,' at nararamdaman mo na kailangan ka niya, para sa ’kin, iyon talaga iyong priceless.
"'Tapos kapag kinuha mo siya, nag-latch na siya sa ’yo 'tapos tumitirik na iyong mata niya, ‘Ay, wow, ito na ‘yon.’
"Para sa ’kin ‘yon iyong priceless."
