Marian Rivera on Baby Zia: "Mukhang matalino ang anak ko, mana sa tatay niya."

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera shares how motherhood changed her life: "Lalo na yung mga points of view ko, priorities ko, personalidad ko. Marami. Mas humaba ang pasensiya ko!"


Now that Marian Rivera is used to her real-life role as a mom to Baby Zia, the Kapuso actress believes she can juggle motherhood and showbiz career.

Marian is set to make a primetime comeback this year.

In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) while taping for Dear Uge in Antipolo City, the wife of Dingdong Dantes said, “Mahirap, mahirap sa umpisa.

“Pero ngayong nakakapa ko na, alam ko na kung paano balansehin.

“Noong una, talagang ang hirap.

“Sasabihin ng asawa ko, 'Hello, I’m here.'

“E, siyempre, obsessed ka sa anak mo. Nagdaan ang magdamag, nakaganyan ka pa rin.

“Sobrang in love talaga ako sa anak ko.”

Her peg is "superwoman."

She elaborated, “Nanay, asawa, artista, businesswoman, matagal ko nang na-feel na superwoman ako, noong nanganak ako.

“Hindi biro ang magbuntis at manganak.”

INHERITED TRAITS. Zia is already one year old and three months, has she shown any trait that the baby got from her?

“Sobrang masayahin siya. Makulit.

"Malikot. Yung tipong malingat ka lang, nandun na. Ganun kabilis.

"At saka siguro, isa sa nakuha talaga niya sa akin, sobrang bubbly niya.

“Sobrang masayahin niyang bata.”

What trait did she inherit from Dingdong?

“Kay Dong? Ano ba ang nakuha niya kay Dong?

“Hindi ko alam,” she said, laughing.

“A, yung mata at saka mahilig siyang magbasa ng book parang sa tatay niya.

"Mukhang matalino ang anak ko, mana sa tatay niya.

“Mahilig din siyang kumanta. Sumasayaw siya.

“Malambing siya."

Then she remembered one more antic that reminded Marian of herself when she was a kid.

“Eto pa, mukhang nakuha niya sa akin, kapag meron siyang isang gustong bagay, iha-hug ka niya, iki-kiss ka niya.

“Kapag hindi mo binigay, 'Mama, Mama...'"

“Ay, dyusko day, basta, nakakatunaw ang anak ko.

“Malambing. Alam niyang mang-uto sa isang salita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS ZIA SPOILED? Are they the type of parents who will make things easy for their daughter?

Marian replied, “Alam niyo, napag-usapan naming mag-asawa, hindi naman masamang i-spoil ang isang bata, pero dapat nasa tamang lugar talaga.

“Anak mo ‘yan, so lahat gagawin mo para sa anak mo.

“Pero lahat ng sobra masama. So kapag alam mong mali, aawatin mo.

“Pero kung wala ka namang nakikitang mali, bakit hindi mo ibibigay ang gusto niya?”

This writer commented that she and Dingdong can afford to give what Baby Zia wants.

She continued, “E, nandun na tayo, pero siyempre, gusto natin siyang lumaki na grounded.

“Gusto naming lumaki siya na nakikita niya sa amin na hindi materyal na bagay ang importante, na 'eto kami ng tatay mo, eto ang gusto naming makuha mo.'"

Essentially their parenting style is that both of them should be on the same page.

“Hindi puwedeng...kailangan kampi kaming dalawa, which is, ganun naman kami.”

DOTING LOLA. Even Marian's lola Iska and mom Amalia are crazy about Zia.

“Naku, lalo na si Mama, isang apo niya. Ako lang ang anak 'tapos may apo, so baliw na baliw sa apo niya.

“Minsan nga, every other day nagpupunta sa bahay from Cavite.

“Sabi ko, nag-aaksaya ng gasolina ang nanay ko.

“At saka ano si Mama, nagpupunta siya run, siya ang nag-aalaga kay Zia.

“Today, siya ang nag-aalaga kay Zia from Cavite, ha?

“Example, may work ako, aabutin na ng gabi. Si Mama, pupunta pa rin, kahit gabi na siyang uuwi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN