Vhong Navarro on two sons: "Ayokong maging batang ama din sila."

IMAGE Vhong Navarro on Instagram

Vhong Navarro takes pride in how disciplined his two teenage sons are.


If there's anything Vhong Navarro should be proud of, aside of course from his showbiz career, it would have to be his relationship with his two boys.

Fredriek, 21, is his love child with a non-showbiz ex-girlfriend, while Isaiah, 19, is his son with ex-wife Bianca Lapus.

Beaming with pride, Vhong said that they treat each other as "barkada."

In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) staffer Arniel Serato during the victory party of Woke Up Like This on August 31, the It's Showtime host spoke about his beautiful relationship with his sons.

"Ako nga, sabi ko, hindi ko alam kung tama ba 'to dahil sa 'kin lang 'to."

He emphasized, "Ang mga anak ko binarkada ko, pero yung pagbabarkadahan namin, siyempre may limitations.

"Bakit ko sila binarkada?

"Kasi usually, ang mga anak minsan nahihiyang mag-open up sa mga magulang. Saan sila nag-open up, sa barkada, sa kaibigan.

"Kaya gusto ko na parang barkada yung trato nila sa akin. 

"Para di na sila lalayo pa.

"Sa 'kin ka na lang mag-bring up ng mga masaya o malungkot na pinagdadaanan mo.

"Tayo lang din naman magtutulungan later on, e."

Isaiah (middle) to his dad: "You're the best dad a child could ever have."

Also in this photo is Vhong's panganay Fredriek.


Since they are like any normal barkada, the boys can talk about almost anything and everything with their father.

In fact, Vhong's past is an open book to them and has never been an issue.

"Open ako kasi ayokong maranasan nila yung pinagdaanan ko.

"Ayokong maging batang ama din sila."

He remembered telling them, "Wag niyo akong gayahin, maaga akong naging ama... ayaw ko pa maging lolo."

His love advice for his kids?

"Huwag mo ibubuhos lahat.

"Magtitira ka para sa sarili mo.

"Mahalin mo ang sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit ten percent lang iyan, bigyan mo ng pagmamahal yung sarili mo."


DADDY'S PRIDE. Vhong proudly said both his sons are disciplined, and are not "maluho."

He told PEP, "Alam mo, suwerte ko kasi never silang naging maluho pagdating sa gamit o sa pera.

"Kung tutuusin, kaya ko namang ibigay kahit papaano yung mga pangangailangan, pero hindi sila nag-take advantage sa sitwasyon na, 'Uy, si daddy kung tutuusin kaya niya.'

"Hindi sila ganoon.

"Matutuwa ka talaga kasi yung disiplina." 

Vhong added, "Suwerte ko din sa mga nanay din nila, e.

"Napalaki namin sila na kahit hindi kami nagkasama o magkaiba yung nanay nila, napalaki nang maganda."

What if the boys see something they'd love to buy?

The actor and TV host gleefully replied, "Sila yung parang magre-request. Halimbawa sapatos, maglalambing pa 'yon.

"E, magkano lang yung hinihingi na sapatos, kumbaga ano ba naman yun.

"Natutuwa ako kasi kung tutuusin, puwede ko din naman ibigay. Yung disiplina lang talaga."

He does reward his boys during special occasions.

"Pero ang gusto talaga nila e kapag Pasko at saka birthday, yun ang matindihan.

"Doon ko binibigay kung ano talaga yung gusto nila.

"Kasi ako, sabi ko sa kanila, noong time ko lahat pinag-iipunan ko yung mga bagay.

"Never akong umasa sa mga magulang ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN