Former Pinoy Big Brother housemate Miho Nishida reveals most dreaded moment as a single mom

IMAGE Arniel Serato / Miho Nishida on Instagram

Former PBB housemate Miho Nishida says her bonding activities with seven-year-old daughter Aimi include swimming, drawing, and streaming videos on YouTube.


Being a parent is not easy, especially if you're raising your kid alone.

Former Pinoy Big Brother housemate Miho Nishida revealed her own struggles as a solo parent to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at the Converse White Chuck Party on Monday night, October 23, at Le Reve Events Place in Quezon City

The 27-year-old actress said that like most single moms, she's always faced with the challenge of finding ways to make her seven-year-old daughter, Aimi, happy.


But one bright smile from Aimi takes all her worries away.

She said, "Minsan mahirap, minsan masaya pero sa likod ng hirap...Kahit mahirap, kailangan mong gawin dahil sa anak mo.

"At para sa ikabubuti ng anak mo, siyempre gagawin mo yun, of course.

"Mahirap siya pero 'pag nakikita mo siya, nawawala, lalung-lalo na kapag nakangiti siya.

"Yung gagawa mo siya ng kaunting bagay... mahirap.

"Pero pag nakangiti siya at nagsasabi siya sa 'yo ng 'thank you,' nawawala yung hirap."

TICKLISH ISSUE. One of the most dreaded moments of solo parents is when a child starts asking about the absent parent.

How does Miho tackle it?

She recalled a recent episode when Aimi did ask about her dad, "Meron kasing mga family day.

"'Tapos sinasabi niya yung mga kaibigan niya may mga tatay daw na dumarating bukod sa nanay.

"Siyempre ang maibibigay ko lang kasi is ako at yung mother ko, yung lola niya.

"Siyempre wala siyang tatay at parang dun ako nahihirapan na nababanggit niya na yung ganung bagay.

"So ang sinasabi ko lang, 'Okay lang 'yan andito naman kami ni mommy-lola mo.'

"Mga ganung bagay pero naiintindihan naman niya."

Miho said she's still waiting for the right time to explain to her daughter everything she needs to know about her father.

"Sa ngayon hindi ko pa na-e-explain ng todo kasi dahil seven years old pa lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro pagdating ng panahon, ma-e-explain ko na rin sa kanya nang maayos pero sa ngayon, hindi pa naman po."

Most solo parents make extra time and effort to fill the void of a missing parent in a child's young life.

Miho narrated how she does it, "Kumakain kami sa labas at nagsi-swimming kami.

"Nagdo-drawing kami, nagwa-watch din kami sa Youtube ng kung anu-ano."

SWEET CONSOLATION. She shared one of Aimi's sweet gestures that Miho found particularly touching.

"Mahilig siyang gumawa ng letter, kunyare meron akong work or taping.

"Minsan talaga puyatan 'tapos gabing-gabi ka na uuwi.

"Pag-umuwi ka sa bahay, tulog na siya so hindi na kayo nagkikita.

"'Tapos meron akong nadatnan sa house ko sa table na letter.

"Nakasulat dun, 'I love you, mama. Thank you. From, Aimi.'

"So parang ang sweet niya, mga ganun."


 

This early, according to Miho, Aimi is showing an interest in joining showbiz.

"Oo, dahil pag nakikita niya ako, minsan kasi ako dati nasa Girltrends ako.

"So mga suotan namin dun mga cropped top, mga shorts, ganun.

"So minsan pag nagsusuot din siya, naka-cropped top din siya.

"Ang peg daw niya, mommy niya, which is ako yun.

"E, ginagaya niya ako and gusto niya mag Goin' Bulilit soon.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN