Kilala ang Bali Island sa Indonesia dahil sa mga malalaking birds' nests at saddle swings na nagsisilbing "Instagrammable" spots para sa mga turista.
Hindi kaila sa marami, meron ding ganitong nature-inspired photo stations dito sa Pilipinas.
At ang entrance fee? PHP50 lang all-in.
Ang mga selfie spots na ito ay matatagpuan sa Terraza Cafe, isang Filipino restaurant sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.
Gaya ng tourist parks sa Bali, ang Terraza Cafe ay meron ding mini-love nest, saddle swing, at hanging bed na kabilang sa walong stations ng kanilang "pictorial garden."
Masasabing breath-taking at relaxing ang pagbisita ng mga turista dito dahil tanaw mula rito ang rice terraces at mga bundok ng Don Salvador Benedicto.
Ito ang ilan lamang sa mga travel adventures na inilathala ng travel blogger na si Maurene Anne Villanueva at ng kanyang boyfriend na si DJ Martizano sa kanilang Facebook page na Maueee's Happy Feet.
Bukod sa mga nakakaaliw na selfie spots, Terraza Cafe also offers classic Filipino dishes served inside their native-inspired cafeteria.
Meron silang sinigang, chicken adobo, "silog" breakfast meals, at inihaw na pork, chicken, at bangus na ma-e-enjoy habang nakatanaw sa overlooking view ng kanilang lungsod.
Ang Terraza Cafe ay accessible via bus mula sa South Ceres Terminal sa Bacolod.