Experience Game of Thrones high in this Bacolod cafe-resort

by Justine Punzalan
Mar 2, 2020
Add a magical twist to your Bacolod trip with a visit to the Winterfell Cafe and Private Resort on Murica Road.
PHOTO/S: Reiann A. on Facebook / @maureneanne19 on Instagram

Bukod sa pagiging "The City of Smiles," kilala ang Bacolod sa historical at nature-inspired tourist sports nito gaya ng The Ruins at Lakawon Island.

At kung mapadpad ka sa lugar next week, heto ang magical twist ng iyong next trip.

Must-see ang Winterfell Cafe and Private Resort na itinayo inspired by the HBO hit series Game of Thrones (GOT) sa Bacolod Murcia Road, Barangay Mansilingan, Bacolod City.

Meron itong Instagrammable stations kung saan puwede mong ma-experience maging si Jon Snow, Queen Daenerys, o Arya Stark for an entrance fee of PHHP50 mula 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. daily.

Nagbukas ang quaint two-story private resort na ito last February 10.

Continue reading below ↓

Ininterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Winterfell Cafe and Private Resort owner Clarissa Tad-y Javier via phone call noong March 3, 2020.

Aniya, bukod sa selfie spots, they also offer family rooms for an affordable rate of PHP4,900 to PHP5,900 per night.

"Pero kung gusto nila i-close iyong buong place, kasi merong ganoon po, e, gusto nilang i-close, gawing venue sa party nila, PHP13,900 for buong place.

"Iyong gabi—5 p.m. to 12 midnight—PHP14,900," sabi niya.

Continue reading below ↓

Sa lobby ng resort puwede kang kumuha ng picture as the rightful owner of the Iron Throne.

Nandito rin ang Hall of Faces kung saan puwede mong ilagay ang iyong mukha bilang isa sa mga Faceless Men ng series.

Continue reading below ↓

Maari ka ring mag-pose ala Queen Daenerys sa replica ng masugid niyang dragon na si Drogon.

Continue reading below ↓

Sa itaas ng staircase ay makikita mo ang Game of Thrones Hall of Fame.

Continue reading below ↓

Ang mga kwarto ay GOT-inspired rin with their wooden king-size beds at hanging posters ng ilang GOT characters.

Continue reading below ↓

Sa poolside matatagpuan ang isang 3D installation ng Weirwood Tree na hango rin sa GOT.

Continue reading below ↓

Ang cafe ng Winterfell Resort ay kasalukuyang inaayos pa, pero balak nila itong ibukas sa publiko "next week...'pag ready na, " sabi ni Javier.

Kabilang sa kanilang inihahandang menu ay "rice meals, nachos, burgers, pasta, and back ribs" with a starting price of PHP95.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Add a magical twist to your Bacolod trip with a visit to the Winterfell Cafe and Private Resort on Murica Road.
PHOTO/S: Reiann A. on Facebook / @maureneanne19 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results