Firefly trails "magically" light up Masungi Georeserve in Rizal

Jun 2, 2020
Trails of glowing fireflies magically lit up the Masungi Georeserve on May 29, 2020.
PHOTO/S: MASUNGI GEORESERVE ON FACEBOOK

Kapansin-pansin na luminis at naging maaliwalas ang hangin sa Luzon mula nang sumailalim ito sa enhanced community quarantine.

Maraming netizens ang nagpost ng kanilang mga litrato ng dramatic sunsets at iba pang rare sights, gaya ng mga alitaptap o fireflies na gumawa ng "magical trails" sa Masungi Georeserve.

Ibinahagi ng conservation project sa Baras, Rizal ang mga litrato sa Facebook page nito noong May 29.

Sabi sa caption: "LOOK: Magical firefly trails at Masungi Georeserve tonight!

"Fireflies are important bioindicators that can help gauge how healthy an ecosystem is.

"Bioindicator species are sensitive to pollution or other habitat changes, making them good signs of a thriving ecosystem.

"We are thankful to see these tonight as it reaffirms our work in protecting the Masungi landscape and restoring its amazing biodiversity."

At press time, umani na ang mga litrato ng 4,500 reactions at 2,500 shares.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Muling nag-upload ng mga litrato ng firefly trails ang Masungi Georeserve noong May 31.

Ayon sa caption, ang pag-ilaw ng mga alitaptap ay bahagi ng kanilang "seduction process."

Ang dagdag na paliwanag rito ay: "Males would flash lights to signal females on the ground and to avoid mating with a different subspecies (each subspecies has a different flashing pattern).

Continue reading below ↓

"They emit light using a chemical reaction in special organs in their bodies.

"The light is incredibly energy-efficient, emitting almost 100% light (in contrast to standard light bulbs which emit 10% light and 90% heat)."

Base sa study na isinagawa ni Sara Lewis, isang biology professor sa Tufts University, highly endangered na ang mga fireflies dahil maari lamang silang mabuhay sa lugar na mayroong malinis na hangin.

Continue reading below ↓

"Meaning, a place where fireflies thrive is a place with clean air," sabi rito.

Ayon rin kay Lewis, ang mga alitaptap ay sensitive sa artificial light dahil "too much artificial light can deter these mating rituals, which can then interfere with their life cycles."

Bukod sa nabawasan ang polusyon sa Luzon, maraming alitaptap ang kasalukuyang matatagpuan sa Masungi Georeserve dahil sa rainforest, which is a sanctuary for hundreds of wildlife species.

Base sa customer hotline, ang Masungi Georeserve ay mananatiling sarado sa publiko hangga't maglabas ng announcement ang gobyerno na maari nang mag-operate muli ang mga tourist attractions sa bansa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trails of glowing fireflies magically lit up the Masungi Georeserve on May 29, 2020.
PHOTO/S: MASUNGI GEORESERVE ON FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results