Watch Now

Game ka? "All-in private island experience" for PHP5K a night

by Bernie V. Franco
Apr 14, 2022
island
Ultimate island experience ba kamo? Ang North Cay Nature Island ay nag-o-offer nito for PHP5,000 a night.
PHOTO/S: YouTube (OG)

Gusto mo ng white-sand beach, malayo sa ingay, private, at may magandang amenities?

Maaari mo itong ma-experience sa North Cay Nature Island for PHP5,000 a night.

Ang 1.7-hectare island beach ay matatagpuan sa Busuanga, Palawan. Ito ay 30 minutes mula sa airport at 20 minutes by boat.

Dahil nga isa itong isla, may limited resources ito gaya ng fresh water, na ibinabiyahe mula sa mainland gamit ang bangka.

May kuryente naman gamit ang generator, at may sustainable plans—gaya ng solar power at desalination ng salt water—underway, sabi ng owner na si Nikki Cruz sa interview ng Summit OG.

island

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isla ay 1.7 hectare na makikita sa Busuanga, Palawan.

May isang parte ng isla kung saan matatagpuan ang giant clams o taklobo at dito rin nangingitlog ang mga turtles pag nesting season.

Ayon kay Nikki, noong 90s ay pinupuntahan ang islang ito para sa day tour.

May nakabiling may-ari nito at pinatayuan ng cottages na pinaparenta para sa overnight stay.

Nang mapasakamay ito ng pamilya ni Nikki, in-improve nila ang amenities nito.

Mayroon ngayon itong dalawang villas na kayang mag-accommodate ng hanggang 16 katao.

north cay nature islad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

cottage

Sabi ni Nikki, noong una ay ipinagpatuloy lang nila ang sistema ng previous owner na overnight stay.

Subalit dahil sa pandemya, nag-iba ang gusto ng mga turista.

Dahil dito, naisipan nilang iparenta ang buong isla sa mga turista para sa “all-in private island experience.”

Kaya ngayon, wala nang iisipin ang guest pag nag-book sila—mula sa pagsundo, pagkain, at amenities, gaya ng snorkeling, kayak, paddle board.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang laging comment ng guest dito is gustung-gusto nila ang privacy and exclusivity ng island,” pagbabahagi ng owner na si Nikki.

“May isang comment pa na it’s a perfect place to go offline, literally.

“Pero may mga guest din na gustung-gusto nilang mag-work dito, lalo na uso ngayon ang work from home.”

island

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasulukuyan, may promo North Cay Nature Island na PHP5,000 kada tao per night, minimum of four people.

Mas malaki naman ang discount kapag mas malaki ang grupo.

Para sa iba pang detalye, panoorin ang buong video:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ultimate island experience ba kamo? Ang North Cay Nature Island ay nag-o-offer nito for PHP5,000 a night.
PHOTO/S: YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results