Labis ang pasasalamat ni Gabbi Garcia, 23, sa kanyang mga magulang dahil sa pagpayag ng mga ito sa kanyang mahabang bakasyon sa Los Angeles, California, kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos, 26.
Sa Instagram kagabi, August 30, 2022, ibinahagi ni Gabbi ang kanyang appreciation post para sa amang si Vince Peña Lopez at inang si Tes Lopez.
Ipinagpasalamat niya ang pagiging bukas ng isip ng mga ito upang matuto siyang tumayo sa kanyang sariling mga paa at pagtitiwala sa kanya.
Mensahe ng Kapuso star, “Appreciation post for my Mom & Dad [two hearts emoji] it’ll be my first long vacation without them. Thank you for allowing me to do this.
"I really really appreciate it. I’m blessed to have parents who are allowing me to grow on my own. Thank you for trusting me.”
Ibinahagi rin ni Gabbi na gumawa ng paraan ang kanyang ina upang makasama ito sa flight nila ni Khalil patungong Los Angeles.
Flight attendant ng Philippine Airlines ang ina ng aktres.
Lahad ni Gabbi, “My mom even made arrangements with her flight sched as a crew so she could personally assist @khalilramos and I, swipe left to see her in action! [laughing emoji]”
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram Story, nagbahagi naman si Gabbi ng larawan ng L.A. skyline, hudyat na nakarating na sila sa kanilang destinasyon.

Samantala, proud na ibinahagi ni Tes sa kanyang Instagram ang “buong pusong alaga” ng kumpanyang pinaglilingkuran niya sa flight ng anak at ni Khalil.
View this post on Instagram
