Odette Ricasa, 77, nalibot na ang buong mundo

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2022
Odette Ricasa
Maraming kuwento si Odette Ricasa, 77, na nalibot na ang buong mundo sa nakalipas na 40 years. Nagulat nga daw siya sa dami ng Pinoy sa North Pole at sa Bermuda Triangle. Aniya, "Madinig mo lang yung Pinoy na magsasalita, matutuwa ka na.”
PHOTO/S: Facebook (Odette Aquitania Ricasa)

Pangarap mo bang libutin ang buong mundo?

Sa mga desididong gawin ito, dapat ang life peg mo ay si Odette Aquitania Ricasa, 77.

Siya ay isang Pilipina na narating na ang 193 countries. Ayon sa Wikipedia, may 195 bansa sa buong mundo.

Maging ang mga bansang "delikado,” gaya ng Iraq, Iran, Syria, at Libya, ay isinama niya sa listahan.

Nito lamang August ay bumisita sa Iraq si Odette.

odette ricasa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang mga bansang mahirap i-pronounce o di tayo gaanong pamilyar, katulad ng Uzbekistan, Vanuatu, at Robinson Crusoe Island sa Chilean coast, ay napuntahan na rin niya.

Name it she's been there.

Read: Meet Kach Umandap, dating OFW na nakalibot na sa 173 countries sa edad 33

Sa kasalukuyan, si Odette ay nakatira sa Los Angeles, California, pero umuuwi siya sa Pilipinas nang isa o dalawang beses sa isang taon.

Kung iniisip niyong isinilang na mayaman ang lolang jetsetter kaya afford niyang makapamasyal ay nagkakamali kayo.

Kuwento ni Odette sa ABS-CBN Teleradyo nitong September 1, 2022, “Dumating ako sa Amerika wala naman akong masyadong pera. Fifty dollars lang, e.

“Fly now pay later pa nga ang aking airfare, ‘tapos nakakuha agad ako ng trabaho.

“Ang sabi ko sa sarili ko gusto kong makita yung mundo.”

Natatandaan pa nga niya ang unang travel niya.

“For the weekend, nagpunta agad ako sa Montreal, Canada. Nag-bus-bus lang ako. Sakay-sakay ng bus. Nag-umpisa ako doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dekada 1980 noong simulan daw niya pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa. At 40 years na raw siyang nagta-travel hanggang ngayon.

“Pagka gusto mo talagang makita ang mundo, gagawan mo lahat ng paraan.”

At 80 percent daw sa kanyang mga biyahe ay mag-isa lang siya.

Odette Ricasa

At mula sa mga biyaheng ito ay mga alaalang isinulat niya sa isang libro para hindi makalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Kung hindi ko sinulat iyan nalimutan ko na. Kasi 1980 wala pang cellphone, wala pa yung mga camera na ganyan.

“Ang dala ko yung mapa-mapa lang [na] papel.”

EVEN THE FARTHEST COUNTRIES

Sa interview nina Alvin Elchico at Doris Bigornia sa Teleradyo, napabilib sila sa matalas na memorya ni Odette.

Kabilang sa mga paborito niyang binisita ay ang Uzbekistan dahil sa tanyag na Silk Roads.

Mayaman din daw ito sa history, gaya ng France, na paborito rin niya.

HIndi ganoon kaganda ang karanasan niya sa North Korea. Hawak-hawak daw ng tour guide ang passports ng mga turista.

Ani Odette, “Nag-fly ako from Beijing to Pyongyang [North Korea capital]. Kaya lang medyo mahigpit sila doon, e. Kukunin nila passport mo.

“Hindi ako masyadong nag-enjoy, natakot ako.”

Napuntahan na rin daw niya ang North Pole.

“Magugulat ka 600 yata population, 200 ang Pinoy,” pagbabalik-tanaw niya nang bumisita siya roon.

“Six months dark, six months sunlight,” sabi ni Odette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binasa ni Alvin ang tanong mula sa isang netizen: "Patanong kung nakapunta na siya sa Bermuda Triangle."

"Oo, yes, of course, Bermuda Triangle," sagot ni Odette.

“Ang daming Pinoy diyan, a, sa Bermuda,” ani Odette.

“Pag upo mong ganyan sa cafeteria, madinig mo lang yung Pinoy na magsasalita, matutuwa ka na.”

Binalikan pa niyang inasikaso siya nang husto ng mga nakilalang Pinoy roon.

Ang Bermuda ay isang British island territory in the North Atlantic Ocean.

(Note: Ang Bermuda Triangle ay ang urban legend na sinasabing isang uncharted region western part ng North Atlantic Ocean).

odette ricasa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2015 nang makapunta naman siya sa Antarctica.

Sabi ni Odette, “Sinasabi ko once in a lifetime. Alam mo yung bapor kung paano umakyat ng ice?

“Yung ilalim ng bapor, may blade. ‘Tapos pag andiyan na yung makapal na ice, ika-cut ng malaking blade yung ice.

“’Tapos tataas yung bapor, 'tapos bababa ulit.”

ADVICE TO ASPIRING TRAVELERS

May ilang payo si Odette sa mga nais maglibot sa iba’t ibang bansa.

“Kung gusto niyong mag-travel, it’s a learning experience kasi makikita mo ang buong mundo na talagang mabait, very kind, generous sa mga tao.

“Kung anuman yung passion, whether it’s writing a book or travelling, just have perseverance.

“Kailangan matiyaga kayo hanggang ma-achieve niyo yung goal niyo.

“Kailangan meron date pag meron kang goal.”

Kahit nakalibot na sa buong mundo si Odette ay hindi pa rin siya nagsasawa sa pagbiyahe.

Sa katunayan sa darating na Oktubre ay may na-schedule siyang trip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming kuwento si Odette Ricasa, 77, na nalibot na ang buong mundo sa nakalipas na 40 years. Nagulat nga daw siya sa dami ng Pinoy sa North Pole at sa Bermuda Triangle. Aniya, "Madinig mo lang yung Pinoy na magsasalita, matutuwa ka na.”
PHOTO/S: Facebook (Odette Aquitania Ricasa)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results