Engkantadora Falls sa Ilocos Norte, bukas na sa mga turista

by KC Cordero
Sep 19, 2022
Art card showing the rates in Engkantadora Falls
Para sa mga mahilig sa travel, mae-enjoy ninyo ang Engkantadora Falls sa Ilocos Norte dahil sa ideal ito para sa picnic, swimming, and kayaking. Mura rin ang entrance fee at cottage rental.

Bukas na sa mga turista ang Engkantadora Falls na matatagpuan sa Sitio Barangobong, Barangay 23 Dipilat, Vintar, Ilocos Norte simula noong September 18, 2022.

Ipinagbawal ang pagbisita rito noong 2020 nang pumutok ang pandemya.

The Engkantadora Falls

Madali itong puntahan ayon kay Barangay Captain Nick Foronda, dahil 18 kilometro lang ang layo nito mula sa munisipyo ng Vintar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pamunuan din ng barangay ang namamahala at nagpapanatili sa kaayusan at kalinisan ng Engkantadora Falls.

Magandang dumayo rito para mag-picnic at maglangoy.

The Engkantadora Falls

Mayroon ding kayaking activities. Ang renta sa kayak ay PHP50 para sa 30 minuto.

Ang entrance fee ay PHP10. Nasa PHP400 naman ang renta para sa cottages.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nagkaroon ng pandemya, umaabot sa 300 hanggang 500 ang nagiging bisita sa Engkantadora Falls.

Sa pagbubukas nitong muli, may dagdag kita ang barangay.

Pinakamainam daw na bumisita sa Engkantadora Falls sa panahon ng tag-ulan.

Sa falls din umaasa ng tubig para sa irigasyon ang mga taniman ng palay at mani sa lugar.

Cleanup drive at Engkantadora Falls

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nagtakda ng mga panuntunan ang pamunuan ng barangay para mapanatiling malinis ang falls.

Mahigpit na ipinatutupad ang “clean as you go” rule.

Required din ang mga bisita na magdala ng sariling trash bag.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa mga mahilig sa travel, mae-enjoy ninyo ang Engkantadora Falls sa Ilocos Norte dahil sa ideal ito para sa picnic, swimming, and kayaking. Mura rin ang entrance fee at cottage rental.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results