Pasyalan sa Tanay, Rizal, bida ang cows from New Zealand at farm life

by Mavell Macaranas-Dojillo
6 days ago
moolk farm
Ang Moolk Farm sa Tanay, Rizal, ay isang 15-hectare dairy farm na nagpapa-experience sa mga bisita ng farm life, kasama ang mga cows nito from New Zealand.
PHOTO/S: Moolk Farm

May pasyalan sa Tanay, Rizal, kung saan ang ipapa-experience ay interaction sa mga baka na galing sa New Zealand at pamumuhay sa farm.

Ito ang Moolk Farm, isang agritourism site sa Sitio Kay Barbon, Brgy Plaza Aldea, Tanay, Riza, na binuksan sa publiko noong October 2021.

Magandang lugar ito para sa mga nais huminga mula sa stressful na trabaho at city life.

For a change, maganda ring kahalubilo ang mga imported gentle giants.

Back to basics ang ambience sa dairy farm, ayon kay Cherry Salvador-Mendoza, ang corporate secretary ng Moolk Creamery Corp. na siya ring nagpapatakbo ng Moolk Farm.

Aniya, “To experience authentic farm life and interact with our New Zealand cows where you can feed them and nurse baby cows with milk.

“From all the busy-ness of life, it is nice to take a breather, slow down, and just enjoy the view, the greenery, and the animals and birds found in this place."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam si Cherry ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules, September 21., 2022.

cow feeding

Ang mga bisita ay maaaring makapag-interact sa mga alagang baka sa Moolk farm.

ADVOCACY TO PROMOTE AGRICULTURE AND ORGANIC FARMING

Noong 2014, nagsimulang mag-import ng New Zealand cows sina Cherry sa pamamagitan ng National Dairy Authority dairy multiplier program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “The program aims for the Philippines to have our local fresh milk and not be dependent on imported powder or UHT treated milk to answer malnutrition and food security for our country.”

Naging hudyat din ito para pasukin nina Cherry ang dairy farming. At noong 2017, itinatag nila ang Moolk Creamery Corp.

“[It] was born to build our brand and come up with our dairy products that are produced on-site and available through our processing store and bazaars.”

Hindi nagtagal, hinikayat ng Tanay local government unit ang kompanya ni Cherry na buksan ang farm sa publiko.

moolk farm

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mararanasan ng mga bisita ang farm life sa dairy farm na ito.

Ang dairy farm na ito ay may sukat na 15 hectares kasama na ang kanilang creamery.

COUNTRY LIFE AT MOOLK FARM

Breathe of fresh air ang pinakamalakas na panghatak ng Moolk Farm, lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Sa malawak nilang lupain, may safe outdoor area at recreational environment para sa mga nais mag-relax at mag-enjoy.

Bukod sa pamamasyal at pakikihalubilo sa mga baka, may libreng tractor ride at fresh milk drink ang bawat bisita sa farm.

Ani Cherry, nais nilang iparanas sa visitors ang full sensory experience.

Nais din nilang magkaroon ng idea ang mga tao ukol sa kahalagahan at benefits ng organic farming.

May mga bike at ATVs na available for rental. Puwede ring mag-horseback riding para mas ma-explore ang bawat sulok ng farm.

Mayroon silang spots for picnic, kite flying, archery, at camping.

ATV ride

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming puwedeng gawin sa dairy farm, gaya ng pamamasyal sa luntiang tanawin gamit ang ATV.

Puwedeng mag-day tour lamang sa farm.

At sa mga nais salubungin ang umaga nang may nakahaing nakabubusog na tanawin ng Sierra Madre mountain range, Laguna De Bay, at windmills, maaari ding mag-stay overnight sa tent or sa kanilang compact tiny house living quarters.

Tumatanggap din sila ng photo shoot at event rental bookings.

Ang kanilang fresh milk drinks in plain, choco, coffee, and milktea flavors ay available sa Lazada, Shopee, Grab Food, at Pickaroo.

May online store at nagbebenta rin ng premium pastillas at milkbar.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Moolk Farm sa Tanay, Rizal, ay isang 15-hectare dairy farm na nagpapa-experience sa mga bisita ng farm life, kasama ang mga cows nito from New Zealand.
PHOTO/S: Moolk Farm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results