Sikat na pasyalan ngayon sa Zambales ang Mapanuepe Lake, na tinaguriang "New Zealand ng Zambales" dahil sa scenic spots nito.
Matatagpuan ito sa Barangay Aglao, San Marcelino, Zambales.
Paano na-develop ang nasabing lawa?

HISTORY
Nang pumutok ang Mount Pinatubo noong 1991, sanhi ng malakas na pag-ulan ay rumagasa ang lahar patungong Marella River, isa sa major drainages ng bundok bukod sa Mapanuepe River at Santo Tomas River.
Dahil dito, umapaw ang Mapanuepe River.
Sa patuloy na pagtaas ng tubig, lumubog ang Mapanuepe Valley, kabilang ang mga barangay na Aglao, Buhawen, at Pili—na pawang nasasakop ng San Marcelino, Zambales.
Dito na nagsimulang magkaporma ang lawa.
Tuwing malakas ang ulan at nagkakaroon ng pag-agos ng lahar, nagaganap ang “breaching and reforming” ng debris dam.
Lumawak ang Mapanuepe Lake sa 670 hectares, at tinatayang ang stored volume ng tubig nito ay nasa 75 by 106 cubic meters.
READ: Beaches near Metro Manila you can now visit for a quick vacation
Ang natira na lang na istraktura sa mga lumubog na barangay ay ang tower ng Bojaoen Church, na makikita ang malaking metal cross nito sa mismong gitna ng lawa.

Sa pag-aaral na isinagawa sa geologic formations at residues ng Mapanuepe Valley bago ang 1991 eruption, natukoy na ang lugar ay katulad ng lahar-formed lake mula pa sa mga unang pagputok ng Mount Pinatubo.
Mas lumaki nga lang dahil sa naganap na major eruptions.
Ayon sa isang caretaker ng malaking property, ito ay pag-aari ni Jose Rodriguez, na ex-mayor ng San Marcelino at pinsan raw ng komedyanang si Ruby Rodriguez.
HOW TO GO TO MAPANUEPE LAKE
Karamihan sa mga nagpupuntang turista sa Mapanuepe Lake ay gustong pansamantalang kalimutan ang kanilang problema at mag-unwind sa ganda ng kapaligiran nito.
Para mapuntahan ang lawa, umaabot ng apat hanggang limang oras ang biyahe mula sa Metro Manila by car o provincial bus.
Mas mainam kung four-wheel drive ang sasakyan para makatawid sa isang mababaw na ilog na dadaanan.
BUS RIDE
May sakayan ng bus biyaheng Zambales sa terminal ng Victory Liner sa Denver Street, Cubao, 683 EDSA, Quezon City.
Aabutin ng mahigit PHP500 ang pamasahe.
Sabihin sa konduktor o driver na ibaba ka/kayo sa San Marcelino Town Proper.
MOTORCYCLE RIDE
Mula sa kabayanan ng San Marcelino, kailangang sumakay sa motorsiklo para makarating sa lugar.
Maraming bumibiyaheng tricycle sa town proper, partikular sa may palengke ng San Marcelino na naghahatid sa Mapanuepe Lake kaya hindi problema ang transportasyon.
Ang pamasahe ay umaabot ng PHP200 hanggang PHP500 ang one way, depende sa makakausap na traysikel drayber.

HOW MUCH IS THE ENTRANCE FEE and the cost of the overnight stay?
Mas mainam na mag-hire ng tour guide, na ang usual rate ay nasa PHP300.
Kadalasang mga local Aetas sila, and they can help you save time since mas alam nila ang pasikut-sikot sa lugar.
READ: Meet Dexter Valenton, first Aeta na pasado sa Criminology Licensure Exam
Pagdating sa Mapanuepe Lake, kailangang magbayad ng entrance fee na PHP50.
For an overnight stay, ang fee ay PHP600.
Payo ng ibang nakarating na sa Mapanuepe Lake: mas maganda kung may dalang sariling pagkain at tubig kung papasyal dito.
May mga pampublikong palikuran na inilagay ang local tourism officials para mapanatiling malinis ang kabuuan ng lawa.
May restriksiyon sa paglalangoy, pero maaari namang magbangka para marating ang makasaysayang krus ng Bojaoen Church na nalubog sa pagragasa ng lahar.
Pinapayagan ang bonfire sa night camping, pero mahigpit ang pagbabantay ng mga tagapangasiwa ng lawa para maiwasan ang forest fires.

Dahil walang kuryente at wala ring internet sa Mapanuepe Lake, makakatakas talaga sa stress ang mga bumibisita rito.
Walang fancy facilities, pero maigi na paminsan-minsan ay maranasan ang simpleng pamumuhay.
At bukod sa tahimik at malinis ang kapaligiran, ma-e-enjoy rin ang pagmamasid sa kabuuan ng lawa, makikita rin ang view ng Mount Pinatubo.