Bukas na muli sa publiko ang itinuturing na “most mysterious” cave sa Sagada, Mountain Province—ang Balangagan cave sa Barangay Taccong.
Mayaman din sa kasaysayan ang kuweba, na unang binuksan sa publiko noong 2014 bilang dagdag atraksiyon sa Sumaguing at Lumiang caves.
Saad noon ni Mt. Province Representative Maximo Dalog, ulat ng Sunstar sa isang article, “Balangagan was once a majestic place, but too far to reach, and hardly inaccessible for any form of vehicle.”
Ang Balangagan cave ay ilang kilometro ang layo mula sa Sumaguing.
Ang kuweba ay nagsilbi ring evacuation site ng mga residente noong panahon ng World War II.
Dito nagtago ang mga residente mula sa mga mananakop na Hapon.
Read also:
- Engkantadora Falls sa Ilocos Norte, bukas na sa mga turista
- "Beach" sa Isabela na may fine sand, matatagpuan sa gitna ng palayan
ANG MISTERYOSONG KUWENTO NG BALANGaGAN
Sa kuwento sa Sunstar ni Julio Mani, isang senior resident, ang Balangagan ay nagsilbing libingan ng mga sinaunang nakatira sa mga barangay ng Taccong at Suyo noong 18th at 19th century.
Nagmula raw ang “Balangagan” sa mga pangalang Bangcawayan, Lawagan, at Nagayang ng tatlong elders mula sa Brgy. Taccong noong panahon na iyon.
Pumasok aniya ang tatlong elders na ito sa kuweba para manghuli ng mga paniki.
Pero naipit sila sa loob dahil may malaking batong humarang sa pasukan ng kuweba.
Nakarinig daw ng "timmek" o boses ang tatlo na inuutusan silang pakawalan ang mga hinuling paniki bago sila makakalabas.
“So the three of them did release the bats, and all three were able to go back to the village unharmed and lived to tell their story.”
Sabi ni Mani, ang kuwentong ito ay ibinahagi sa kanya ng kanyang ama, apo ni Bangcawayan.
WHAT'S INSIDE THE BALANGAGAN CAVE?
Nitong February 6, 2023, inilarawan ni Robert Pangod, former Sagada tourism officer at ngayon ay volunteer tour guide, kay Liza Agoot ng Philippine News Agency, na “sacred” ang Balangagan.
Pagpasok pa lang ng kuweba, makikita na ang maraming traditional coffins sa nga gilid, ang isang malaking burial jar na nakapuwesto sa taas ng isang formation, at maliliit na burial jars sa mga namayapang bata noon.
Dagdag ni Pangod, maraming rock formations ang makikita sa Balangagan na hindi makikita sa Sumaguing cave.
“The best place to visit for a cultural attachment is Balangagan where you can see not just the coffins of the ancestors but the olden practice of burying in jars,” aniya.
Ayon kay Pangod, maraming burial jars ang madiskubre sa kuweba nang binuksan ito sa mga local noong 2014, pero marami rin ang nasira at ninakaw dahil walang bantay noon.
Kuwento ni Pangod, “Ang Balangagan parang circular itsura niya, bale may tatlong level, pinakamataas ang burial chamber, dito mo makikita ang mga rock formation na puros mga white na limestone. Dito din ang mga chandelier type."
Ang chandelier types na nasa kisame ng kuweba ay gawa raw mula sa mineral formations ng stalactites na sinasalubong sa stalagmite.
Ang sahig ay gawa rin sa crystal-white colors na rock formation.
Sabi pa niya, may rock formations na sobrang puti subalit ang nasa sahig ay inaapakan ng mga pumapasok sa kuweba kaya namantsahan.
Kaya naman may pakiusap ang local leaders sa mga turista, gayundin sa mga resident: maging responsable at wag apakan ng rock formations sa sahig.
Para rin maiwasan ang overcrowding at sobrang “disturbance," 100 katao, kabilang ang 20 guides, ang pinapayagang pumasok kada bisita.
TOURISM SITE IN SAGADA
Isinusulong ang turismo sa Sagada dahil ito ang pangunahing source of income ng lugar, kaya masaya si Mayor Felicito Dula na unti-unting bumabalik na sa normal ang sitwasyon.
Halos normal na rin umano ang operation ng restos, souvenir shops, shuttle service, at accommodations.
Sabi ng alkalde, “We opened Sagada without the required entry protocols because we know that our stakeholders have prepared for the arrival of the tourists and we want to be in the itinerary of travelers and tourists.”
Mula sa 3,500-bed capacity, ang Sagada ay kaya na ngayong mag-accommodate ng 5,000 turista.
Ang average accommodation rates naman ay mula PHP350 hanggang PHP500 kada tao.