PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Antique Park's Rainbow River and Nature

Posible ring makakita ka ng endangered wildlife animals.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Mar 25, 2023
rainbow river rafflesia
Ang Sibulom Natural Park sa Antique ay kilala sa pambihirang Rafflesia, ang world's largest flower (insert), at ang Rainbow River, na may iba't ibang kulay ng mga batong nakapaligid. Makakakita rin dito ng falls at mga hayop tulad ng isayan warty pig, spotted deer, at tarictic hornbill.
PHOTO/S: Facebook (Gregg Yan, Sibalom Natural Park)

Para sa mga turista, may patok na pasyalan sa bayan ng Antique—apat na oras lamang mula sa Boracay Island at one hour and 30 minutes mula sa Manila by plane.

Sa isang natural park, masisilayan ang ipinagmamalaki nitong giant flower at rainbow river.

Ang parehong atraksiyon ay matatagpuan sa Sibalom Natural Park, isang 6,778.44-hectare pasyalan sa may western part ng Panay Island na bidang-bida dahil sa mayabong nitong flora and fauna.

Simula noong March 1, 2022 ay binuksan sa publiko ang Sibalom Natural Park, na tahanan rin ng maraming endangered at endemic species ng mga hayop at halaman.

GIANT RAFFLESIA, THE WORLD’S LARGEST BLOOM

Ang isang pangunahing atraksiyon sa Sibalom Park ay ang giant flower na kilala sa buong mundo bilang Rafflesia.

Ang Rafflesia ang tinaguriang world’s largest bloom dahil sa kakayahan nitong bumuka ng 36 inches at tumimbang ng 15 pounds.

Ang pinakamalalaking uri nito ay matatagpuan sa Indonesia, pero kamangha-mangha na rin ang makikita sa Sibalom Park dahil ang bulaklak nito ang may sukay na 22 inches.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Rafflesia ay isang parasitic plant na walang makikitang root, stem, o leaves.

Ang bulaklak nito ay naka-attach sa host plant, kung saan nanggagaling ang tubig at sustansiyang kinakailangan nito upang tuluyang yumabong.

Rafflesia

Ang downside lang ng bulaklak ay ang hindi kanais-nais na amoy nito—parang nabubulok na karne—kapag namumukadkad kaya kilala rin ito sa tawag na corpse flower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Rafflesia sa Sibalom Park ay nadiskubre noong 2000 ng Antique Outdoors, isang grupo ng conservationists ng probinsya.

Ayon sa Philippine News Agency, ang botanist na tubong Sibalom na si Dr. Julie Barcelona ng Philippine National Herbarium of the National Museum of the Philippines sa Manila ang nakatukoy rito bilang Rafflesia speciosa.

Bukod sa Rafflesia, siguradong kagigiliwan din sa park ang century-old trees tulad ng Laua-an, gayun din ang Visayan warty pig, spotted deer, at tarictic hornbill.

Tarictic Horn Bill

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(Tarictic Horn Bill)

Pinker's Hawk Eagle

(Pinker's Hawk Eagle

MAU-IT RIVER, THE RAINBOW RIVER

Sa may paanan naman ng Sibalom Park matatagpuan ang Mau-it River, na kilala rin bilang Rainbow River dahil sa mga bato nitong may iba’t ibang kulay.

May haba itong tatlong kilometro at napalilibutan ng mga bato iba’t iba ang kulay, textures, shapes, at sizes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat tempting ibulsa ang mga striped, speckled, at semi-precious gems sa Mau-It River, hindi ito pinahihintulutan ng mga tagapangalaga ng park.

Rainbow River

(Rainbow River)

falls

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon mas maluwag na ang mga travel restrictions na ipinatutupad, mas malaya na ring ma-i-enjoy ng mga tao ang magagandang tanawin sa ating bansa.

At talagang hindi nagpapahuli ang Antique dahil sa mga tagong-yaman nito tulad ng Sibalom Park!

Gayunman, may ilang restrictions sa activities ng mga bisita sa park lalo pa at hinirang ang SNP bilang natural park sa pamamagitan ng Repblic Act 11038 of 2018.

Ang namumuno sa pangangalaga ng SNP Protected Area na si Superintendent Anthony Evangelio, katulong ang may 80 Bantay Gubat personnel, ang nagsisilbing tour guides.

Sinisiguro nila na ang mga turista ay sa mga designated areas lamang pupunta.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Sibulom Natural Park sa Antique ay kilala sa pambihirang Rafflesia, ang world's largest flower (insert), at ang Rainbow River, na may iba't ibang kulay ng mga batong nakapaligid. Makakakita rin dito ng falls at mga hayop tulad ng isayan warty pig, spotted deer, at tarictic hornbill.
PHOTO/S: Facebook (Gregg Yan, Sibalom Natural Park)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results