Nasa hot seat ngayon ang Bureau of Immigration (BI) kasunod ng nagsusulputang horror stories ng Filipino passengers na naranasang ma-offload o hindi pinapasakay ng eroplano para sa kanilang trip abroad.
Ayon sa datos, libu-libong mga Pilipino ang na-o-offload dahil sa strict measures ng BI para masupil ang insidente ng human trafficking, posibleng pambibiktima ng illegal recruiters, at paggamit ng fake documents.
Noong 2022, tinatayang 32,000 passengers ang na-offload, ayon sa BI report:
- 472 ang potential victims ng human trafficking at illegal recruitment
- 873 naman (10 ang menor de edad) ang natuklasang gumagamit ng illegal documents.
Sa datos naman ng Inter-agency Council Against Trafficking, 6,788 Pinoy ang na-offload nito lamang 2023 dahil sa suspetsang biktima sila ng human trafficking syndicates na gagamitin sa online scam.
At kung susumahin ang datos, walang dudang libu-libo sa mga pasahero ang naaberya ang trips abroad, hindi nakaalis ng bansa, at nasayang ang ipinambayad sa plane ticket.
Dagdag pa rito ang kontrobersiya ng kuwestiyonableng inspection, at, ayon sa mga ulat, pangingikil ng mga immigration officers sa mga pasaherong ayaw ma-offload.
HORROR STORIES OF PASSENGERS
Dahil sa issue, nasisiwalat ngayon ang mga unpleasant experiences ng mga pasahero sa immigration officers.
Cham Tanteras' horror story
Naging hot topic ang sinapit ng pasaherong si Cham Tanteras.
Via social media, ipinost ng dalaga ang kanyang “immigration rant” kamakailan kaugnay ng karanasan niya noong December 2022.
Read: Pasahero naiwan sa flight dahil sa matagal na interview ng immigration officer
Magbabakasyon dapat noon si Cham sa Israel, pero naiwan siya ng kanyang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay dahil sa matagal na pagtatanong ng immigration officer na inusisa pa umano siya tungkol sa relationship status ng kanyang mga magulang at hinanapan ng yearbook—mga tanong na walang kinalaman sa flight ni Cham.
Naiwan ng eroplano si Cham at nasayang ang kanyang PHP19,000 plane ticket.

Bumili ng panibagong ticket si Cham na worth PHP27,000 para makaalis.
Sinabi naman ni BI Spokesperson Dana Sandoval sa isang interview na ang secondary inspection ay protocol, pero hindi raw dapat ito maging dahilan para maiwan ng eroplano ang pasahero.
Sinabi rin niyang “the Immigration is not in the capacity” na i-reimburse ang PHP19,000 plane ticket ni Cham.
Ang magagawa raw nila ay imbestigahan ang pangyayari, gayundin ang immigration officer, na nalipat na sa back office at press time.
Read: Bureau of Immigration clarifies issue about bringing yearbook, diploma of departing passengers
Rie's horry story
May similar experience din ang pasaherong si Rie, na ikinuwento ang karanasan sa 24 Oras ng GMA News kamakailan.
Naka-schedule lumipad papuntang Taiwan si Rie para makasama ang mga kaibigan.
Pero matapos malaman ng immigration officer ang pagiging former employee ni Rie sa Dubai, United Arab Emirates, isinailalim siya sa secondary inspection.
“Sobrang haba na po ng pila kasi marami na pong Pilipino na for second interview,” hayag ni Rie sa 24 Oras.
Ipinaalam ni Rie sa immigration officer na in 30 minutes ay kailangan na niyang mag-board.
Pero sinabihan umano siya ng immigration officer na kailangan niyang maghintay at pampito si Rie sa pila.
Inabot ng isa't kalahating oras ang secondary interview ni Rie at naiwan siya ng kanyang flight.
Bumili na lang si Rie ng bagong plane ticket para matuloy sa Taiwan.
Magrereklamo sana si Rie sa tanggapan ng BI subalit wala umanong sumasagot sa tanggapan.
Naghain ng reklamong grave abuse of authority sa Ombudsman si Rie laban sa dalawang immigration officers na nag-interview sa kanya.

Seafarer's horror story
Si JC Manganti naman ay tatlong beses na-offload at umabot sa daan-daang libo ang nasayang sa pagbili ng plane ticket.
Ulat ng 24 Oras nitong March 30, 2023, unang nakatakdang lumipad si JC sa Paris, France noong August 7, 2022.
Pero na-offload siya dahil hindi pinasakay ng immigration officer kahit na mayroon siyang valid visa, supporting documents, at affidavit of support mula sa pinsan sa France at Philippine Embassy sa France.
Nagtungo si JC sa mismong BI office at sinabihan siyang puwede na siyang makaalis dahil sa hawak niyang documents.
Pero na-offload siya muli pagdating sa airport. Ganito rin ang nangyari sa pangatlong pagkakataon.
Umabot na raw sa PHP200,000 ang nagastos niya sa pagbili ng plane tickets.
Sa pangatlong beses na na-offload siya, sinabi ni JC na may lumapit umano sa kanyang immigration agent sa main office ng ahensiya at nag-alok ng solusyon.
Sabi ni JC, nag-aalok ang immigration agent ng escort kay JC para makalipad na ito, kapalit ang PHP150,000.
Sabi ni JC sa GMA News, “Palalagpasin daw po ako doon [sa immigration]. Sinabihan na pagpasok sa immigration, may magtuturo kung kanino immigration line pipila, kanino booth…
“Mabubura po yung offloaded [record] ko sa system nila. Di na daw po makikita yung offloaded system.”
Sinabihan pa raw si JC ng agent na may mga Chinese daw silang pinapalabas at halos PHP200,000 daw ang ibinabayad ng mga Chinese.
Ipinakita rin ni JC sa report ang screenshot ng messages niya sa dalawang immigration agent na hinihingan siya ng PHP150,000 kapalit ng pag-escort sa kanya sa immigration office sa paliparan.

MEMES ON SOCIAL MEDIA
Kasunod ng horror stories na ito, nagsulputan ang meme jokes sa social media, at ginawa ring senaryo ng mga social-media influencers ang mga issue na ipinupukol sa immigration.
Isang netizen ang nag-post ng edited photo, kung saan ang dalawang passengers ay ini-interview ng “immigration officers” na sina Boy Abunda at Lolit Solis.
At ang mga tanong kunwari ay galing sa Fast Talk questions ni Boy na pinasakan ng humor, tulad ng “lights on or lights off,” “sex or chocolate,” “yearbook or diploma,” at maraming pang iba.
Tila nais tumbukin nito na walang kinalaman ang mga tanong sa flight ng mga pasahero.
[twitter:
Immigration officers in the Philippines be like:
— Geno07? (@Geno5787) March 17, 2023
"lights on. Or lights off..."
"sex or chocolates..."
"best time to have sex..."
"biggest misconception about you..."
"yearbook or diploma..."
"motto in life..."
*stamps passport. " pic.twitter.com/B6ig6ubzav
Sunud-sunod din ang paggawa ng videos ng kilalang content creator na si Macoy Dubs. Isa rito ay sa airport ang set-up at may caption na “Immigration officer but chika.”
Sa kanyang skit, immigration officer si Macoy Dubs na hindi nagmamadali sa pag-i-interview ng pasahero.
Samantala, sa proseso ng immigration, ang kinakailangang ipakitang documents ay passport, visa (if applicable), roundtrip ticket, itinerary, at supporting documents tulad ng IDs.
Iginiit ng BI na hindi na kailangang magpakita ng yearbook.
Samantala, ang secondary interview ay ginagawa kapag hindi tugma ang mga sagot ng pasahero o hindi tugma kung paano siya sumagot.
Diin ng mga namumuno sa BI, hindi dapat maging dahilan ang immigration screening para maiwan ng eroplano ang pasahero.
AUTHORITIES TO REVISE IMMIGRATION PROCEDURE
Katuwiran ng BI, ipinatutupad nila ang mahigpit na proseso para sa kampanya nila laban sa human trafficking sa Southeast Asian countries, Middle East, at Europe.
Pero iginiit na “highly illegal” ang paghingi ng pera ng kahit sinong immigration agent o empleyado.
Sinabi ni BI Spokesperson Sandoval na kumikilos na sila para matigil ang ganitong “uri ng kalokohan amongst our ranks.”
Humihingi naman ng pang-unawa ang Department of Justice (DoJ) dahil sa strict departure formalities sa immigration office sa paliparan.
Napaulat ding pinag-aaralan na ng Inter-agency Council Against Trafficking (Iacat) ang pagrerepaso sa mga procedures.
Nakikipagtulungan na sila sa BI at stakeholders para masolusyunan ang aberya ng mga pasahero.
Ayon sa statement ng DOJ nitong Huwebes, March 30, nire-revise ng Iacat—ahensiyang kinabibilangan ng BI—ang procedures “to better reflect current trends and plug the gaps” at “minimize the inconvenience” sa mga pasahero.
Paalala rin nila na huwag kalimutan ang isyu ng human trafficking.
“As we empathize with the disruptive effect these may have caused to the public, let us not overlook the fact that there is a bigger problem we need to address as a country: human trafficking,” pahayag ng DOJ.
Pero sinabi sa pahayag na hindi nila papayagan ang pang-aabuso ng ibang immigration officers.
“Rest assured, the abusive behavior which goes beyond the mandate of the officers will not be tolerated and will be appropriately and strictly dealt with,” sabi ng DOJ.
SENATOR GRACE POE'S REMINDER
Samantala, kabilang sina Senator Grace Poe at Senator Raffy Tulfo sa mga nais maimbestigahan ang BI kasunod ng mga “horror stories” ng mga passengers.
Isang Instagram video pa ang ipinost ni Sen. Poe bilang reaksiyon niya sa isyu. Nais daw niyang maglabas ng “reminder” para sa mga pasahero.
“Pag alam mong niloloko ka na, puwedeng mag-report within 30 days or less, dahil may CCTV sila sa airport at maaari silang maimbestigahan,” anang senadora.
Kinondena niya ang ganitong uri ng “harassment” ng immigration officers pati na ang security personnel sa airport.
Dahil din daw sa video ni Cham Tanteras, nagkaroon ng awareness ang publiko tungkol sa mga “nakababahalang” procedures ng ibang immigration officers.
“At ang nakakalungkot, hindi lamang si Cham ang nakaranas ng ganitong uri ng harassment dito sa immigration officer. Marami pong naging biktima niyan kaya nga po ang tawag dyan IO [Immigration Office] horror stories.”
Sabi pa ni Sen. Poe, “Pero alam mo, meron talagang masasamang loob diyan na gagawa at gagawa iyan ng kalokohan.”
Nanawagan din siya sa mga Pilipino na huwag itong payagan at iangat ang antas ng reputasyon ng bansa.
