PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagbiyahe ng mga turista papuntang Camotes Island, mas pinadali

Puwede nang mag-bus mula Cebu City.
by KC Cordero
Published Apr 26, 2023
Tourist spots at Camotes Island Group
Maaari nang sumakay ng bus ang mga turista papuntang Camotes Island simula May 4, 2023. Binuksan ang bagong ruta na magmumula sa Cebu City patungong Camotes Island Group sa ilalim ng Cebu Province's Local Public Transport Route Plan. (Photos courtesy of Balitang Ormocanon)

Para sa mga backpackers at excursionists na nagpaplanong mamasyal sa Camotes Island Group sa lalawigan ng Cebu, puwede nang magbiyahe by bus mula sa Cebu City simula May 4, 2023.

Puwede nang ma-experience ang napakalinis na dalampasigan, cliff diving, at kamangha-manghang mga kuweba sa isla.

Inianunsiyo ito ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Region 7 (LTFRB-7) Director Eduardo Montealto Jr. last April 25.

Read also: Lansad Farm sa Apayao, dinarayo dahil sa sobrang sarap na strawberry

Ayon kay Montealto, ang paglalagay ng ruta patungong Camotes na nasa northern part ng Cebu province ay malaking ginhawa para sa mga gustong mamasyal doon.

Dagdag pa ng opisyal, batay sa kanilang research, maraming indibidwal ang mas pinipiling maging backpackers at magbiyahe sakay ng bus o bangka patungo sa iba’t ibang destinasyon.

Tourist spots at Camotes Island Group

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Gaano karaming lugar na sa Pilipinas ang iyong nalakbay?

Ito ang dahilan kaya pinalakas ng kapitolyo ng Cebu ang land transport system nito patungong Poro, San Francisco, Tudela, at Pilar—mga bayan sa island group.

Ang umpisang biyahe sa May 4 ay pagkakalooban ng special permit habang naka-pending pa ang memorandum circular para maging ganap na permanente ang mga biyahe ng bus patungong Camotes Island Group.

Tourist spots at Camotes Island Group

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Tourism chief, pinakitang safe ang scuba diving sa Puerto Galera

Ang apat na experimental bus units na magmumula sa Cebu South Bus Terminal ay hindi na dadaan sa Danao City Port para sumakay sa Roll-on Roll-off vessel papuntang Poro.

Sa halip, sa Liloan Port ito dadaan na mas malapit sa capital city.

Wala pang binanggit kung magkano ang magiging pamasahe.

Read also: Tara na sa Mapanuepe Lake, ang “New Zealand ng Zambales”

Ani Montealto, “The Cebu provincial government is in constant communication with the Department of Transportation for the finalization of their Local Public Transport Route Plan [LPTRP].

“The final LPTRP will include the Cebu City-Camotes route.”

Sinabi ni Montealto na open ito sa mga interesadong transport cooperatives and companies na gustong makakuha permit para makabiyahe sa nasabing ruta.

Noong 2018, nakapagtala ang Department of Tourism ng mahigit 75,000 turista na bumisita sa Camotes Island Group.

Tinatayang may 22 tourist resorts sa isla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: May Cherry Blossoms ang Pilipinas?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maaari nang sumakay ng bus ang mga turista papuntang Camotes Island simula May 4, 2023. Binuksan ang bagong ruta na magmumula sa Cebu City patungong Camotes Island Group sa ilalim ng Cebu Province's Local Public Transport Route Plan. (Photos courtesy of Balitang Ormocanon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results