PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Student chronicles 134 days of travel without gadgets

Ang daming hassles, but "it was definitely a great life experience.”
by KC Cordero
Published Aug 13, 2024
Photos of Yang Hao
Para kay Yang Hao ay parang digital organ at bahagi na rin ng ating katawan ang smartphone. Sinubukan niyang mag-travel sa loob ng 134 days nang walang smartphone para malaman kung kaya pa ba ng tao na mabuhay without gadgets at Internet connection. (Photos courtesy of SCMP)

Sa panahong ito ng information technology, ang karaniwang tanong ay kung kaya pa bang mabuhay ng tao nang walang gadgets at Internet connection.

Ito rin ang katanungan na inihanap ni Yang Hao ng kasagutan.

Si Yang, isang Chinese national, ay ipinanganak noong dekada 90.

Residente siya ng Taiyuan, ang capital ng Shanxi province sa China.

Sa kasalukuyan ay isa siyang contemporary art student sa isang university sa United Kingdom.

Yang Hao about to ride in a car
Sinubukan ni Yang Hao ang buhay na wala ang convenience na dulot ng modern technology. Inalam niya kung kakayanin pa ba ng isang tao na mamuhay gaya ng dati na walang smartphone ar Internet. Photo: Screenshot at SCMP
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 2023, nagdesisyon siyang magkaroon ng kakaibang adventure.

Nagplano siyang mag-travel sa iba’t ibang lugar sa China nang wala siyang dalang smartphone at laptop.

May dala lang siyang dalawang lumang digital camera—na hindi rin naiko-connect sa internet.

Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot

GADGETS PARA NA RING "DIGITAL ORGAN" PARA MABUHAY ANG TAO

Ayon sa ulat ng South China Morning Post noong August 9, 2024, ang plano ni Yang na social-media detox ay para malaman niya ang epekto ng sobrang digitalization sa buhay ng mga tao.

Pagbabahagi ni Yang, “I feel that the mobile phone is like a digital organ for us. We cannot do many things without one.”

Photo of a man using gadgets
Karugtong na raw ng buhay ng tao ngayon ang gadgets at Internet. Photo: Screenshot at Lifewire
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito umano ang dahilan kaya gusto niyang tuklasin kung ano ang mangyayari kung wala talaga siyang smartphone, laptop, at Internet connection.

At gusto niyang maranasan iyon sa loob ng ilang buwan.

Binanggit din niyang ang China ang nangunguna sa mundo pagdating sa bilis ng digitalization at pagpapaunlad ng technology.

Aniya, “Based on doubts about, and reflections on, digitalization, I aimed to conduct an experiment in China to undertake an exodus without relying on the Internet.”

Read: Couple in open relationship welcomes wife's BF into their home

NAPATUNAYANG MAHIRAP NA NGAYONG MABUHAY NANG WALANG GADGETS

Sa isinagawang paglalakbay ni Yang, marami siyang naranasang pagsubok.

Dahil wala siyang smartphone, hindi siya makapag-book nang advance sa mga hotels.

Kinailangan niyang bumili ng naka-print na mapa para matukoy ang mga lugar na pupuntahan.

Nahirapan din siyang mag-commute dahil hindi siya makapag-book sa mga ride-hailing apps.

At dahil ang kanyang ATM card ang kanyang dala at hindi siya nakakapagbayad sa pamamagitan ng online payments, kinakailangan pa niyang maghanap ng mga ATM machines para mag-withdraw kapag wala na siyang hawak na cash.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Nanny earns PHP20K per hour as Taylor Swift look-alike

MAY BENEPISYO RIN KAPAG WALANG GADGETS

Sa kabila naman ng napakaraming naranasang inconvenience, masaya si Yang na nagkaroon siya ng pagkakataong makipag-usap sa mga estranghero kapag may kailangan siyang itanong.

Aniya, naranasan niya ang uri ng buhay na kakaiba kaysa noong lagi lang siyang umaasa sa gadgets kapag may kailangan siyang malaman o kaya ay bayaran.

Kuwento niya, halos lahat ng nakasalamuha niya ay nagugulat kapag nalalamang wala siyang dalang anumang gadgets upang makakonekta sa Internet.

“Some asked if I was doing anything bad, some wondered if I was doing a special job, while others thought it was interesting to live with no mobile.”

Read: Man stolen as baby reunites with wealthy family after 33 years

Sa kabila nito, ayon kay Yang ay may mga sorpresang benepisyo rin ang ginawa niyang gadget-free trip.

Hindi niya naririnig ang dati-rati ay walang tigil na notifications mula sa iba’t iba niyang social media accounts and apps kapag hawak niya ang kanyang smartphone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil walang distraksyion, nagugol niya ang kanyang oras sa mga mas makabuluhang aktibidad.

Yang Hao reading books
Dahil wala siyang gadgets, nagkaroon si Yang Hao ng time na mabasa ang kanyang mga dala-dalang libro. Nagkaroon din siya ng time para sulatin ang mga laman ng kanyang isipan. Photo: Screenshot at SCMP

Nakapagbasa siya ng maraming librong matagal na niyang nabili at noon lang niya nabuklat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapagsulat din siya gamit ang ballpen at papel dahil wala siyang dalang laptop.

May mga oras ding nakakapagmuni-muni siya at maayos na napaplano sa isip kung ano ang mga bagay na gusto pa niyang ma-achieve para sa kanyang future.

Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself

ACHIEVEMENT UNLOCKED: 134 DAYS NA WALANG GADGETS

Natapos ni Yang ang kanyang paglalakbay nang walang dalang gadgets noong April 2024.

Sa kabuuan ay nakagugol siya ng 134 na araw, at nakaikot sa 24 na probinsiya at rehiyon sa China.

At matiwasay siyang naka-survive!

Aniya, sa kanyang pagbabalik ay nakapag-uwi siya ng mga kayamanan—na nasa porma ng mga bagong karanasan at pananaw sa buhay.

“I am like an ancient man who has time-travelled to the modern day.

“All those troubles and joys made me excited. It was definitely a great life experience.”

Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lumaganap sa social media sa China ang experiment ni Yang, maraming netizens ang humanga sa kanya at nagsabing “awesome” ang kanyang nagawa.

Ayon sa mga ito, sa kaso nila, hindi nila kayang mapahiwalay kahit isang oras man lang sa kanilang smartphone.

Para naman sa iba, hindi na puwedeng walang smartphone ngayon.

May mga nagsabi ring naka-survive si Yang dahil mayroon siyang cash.

Paglilimi ng netizens, higit sa gadgets, sa kahit anong panahon ay mabubuhay ang tao kahit walang gadgets basta may pera.

Plano naman ni Yang na maglathala ng aklat para idetalye ang kanyang mga naging karanasan.

May bubuuin din siyang documentary film gamit ang mga footage sa kanyang naging paglalakbay na diskonektado sa digital and virtual world, pero konektado sa mga tunay na tao at totoong mundo.

Read: Man who looks like a teen is actually 35 years old

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kay Yang Hao ay parang digital organ at bahagi na rin ng ating katawan ang smartphone. Sinubukan niyang mag-travel sa loob ng 134 days nang walang smartphone para malaman kung kaya pa ba ng tao na mabuhay without gadgets at Internet connection. (Photos courtesy of SCMP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results