Nagbakasyon saglit sa bansang Canada si Thea Tolentino pagtapos ng GMA Afternoon Prime teleserye na Binibining Marikit noong nakaraang June 27, 2025.
Nag-post ng photos at videos sa Instagram ang Kapuso actress kasama ang kanyang pamilya at ang non-showbiz boyfriend na si Martin Joshua San Miguel.

THEA TOLENTINO AT CALGARY STAMPEDE
Isa rin sa mga dahilan kung bakit bumiyahe si Thea sa Canada ay para um-attend ng Calgary Stampede, isang annual rodeo, exhibition, at festival na nagsimula pa noong 1886.
Isa itong 10-day event na ginaganap every first Friday of July or the day after Canada Day.
This year, nagsimula ang mga activities noong July 4.
Makikitang nag-participate ang 28-year-old Sparkle kontrabida sa line dancing at nag-attend din ng isang concert.
Nakita rin niya in person ang sikat na Grammy Award-winning country singer na si Shania Twain sa isang parada.
Isa naman sa most memorable experiences ni Thea sa event ay ang pagsakay nito for the first time sa mechanical bull.

Bago nga raw siya sumakay, nag-research muna siya kung ano ang magandang technique para hindi siya agad malaglag sa bull.
Pero tumagal lang daw siya ng 30 seconds sa unang sakay niya.
"My first mechanical bull ride! YAHOO! I'm obviously enjoying at the #CalgaryStampede! I lasted around 30 seconds... was able to try two more times, PAGOD!!," caption ni Thea sa pinost niyang video sa Instagram.
Read: Angel Locsin shows support for stepson Joaquin Arce
THEA TOLENTINO IN ONTARIO
After the Calgary Stampede, lumipad naman papuntang Ontario si Thea at ang kanyang pamilya para sa pasyalan ang ilang tourist spots doon tulad ng Niagara Falls, The Blue Mountains, Riverdale Park, Lake Louis, at BANFF National Park.
Pinaka-na-enjoy ni Thea ang pagsakay sa Ridge Runner Mountain Coaster sa Blue Mountain Resort.
Ito ay isang self-driven coaster.

Ang post ni Thea sa IG (publsihed as is): "After partying sa Calgary Stampede, mas chill na itinerary sa Toronto.
"Found this ride so relaxing. Nakadalawang sakay pa kami. Na-achieve naman ang makapag-nature nature trip ng hindi nadudumihan. HAHA!"
Read: Heaven Peralejo confirms breakup with Marco Gallo
THEA TOLENTINO'S BOYFRIEND
Ang boyfriend ni Thea na si Martin, isang airline pilot sa PAL Express, ay constant travel buddy ng aktres sa ilang domestic and international trips niya.

Nitong naging trip nila sa Canada, nag-celebrate ng birthday si Martin.
Pagbati ni Thea: "Happiest birthday my love."
