PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Japan visa-application slots full until April 2026

Can’t make it to Tokyo and Kyoto’s Sakura Festival? Here are some tips.
by Bernie V. Franco
Published Jan 23, 2026
Mout Fuji, Japan
Many Pinoys are traveling to Japan because of the main Sakura Festivals in Tokyo or Kyoto. A travel agency officer gives suggestions on alternative destinations that also hold Sakura Festivals at a later date.
PHOTO/S: Canva

Kinumpirma ng isang opisyal ng travel agency association sa Pilipinas na ang visa-application slots para sa Pinoy travelers papuntang Japan ay puno na hanggang April 2026.

Kaugnay nito, nagbigay siya ng alternative destinations para sa mga nagnanais pa ring ma-experience ang Sakura festival, ang season ng pamumukadkad ng cherry blossoms.

Usually, nagaganap ito ng late March hanggang early April partikular sa Tokyo at Kyoto.

Read: Philippines included again in Canada’s visa-free travel program

NO MORE VISA APPOINTMENT SLOTS

Binanggit na ang dulo ng pila sa pag-a-apply ng visa sa Japan ng mga Filipino travelers ay sa katapusan na ng Abril 2026, ulat ng Gising Pilipinas ng DZMM noong January 22, 2026.

Sa katunayan, may ilang travel agencies na nag-announce sa social media na sa mid-2026 na sila tatanggap ng visa processing dahil sa “limited to no visa appointment slots” announcement mula sa Japan Visa Facilitation Services o VFS.

“Kasi nga po, marami sa mga kababayan natin ang gusto talagang bumisita sa Japan at masaksihan ang tinatawag nilang cherry blossoms o ang tinatawag nilang Sakura Festival,” paliwanag ni Fe Abling Yu, inbound committee member ng Philippine Travel Agency Association at dating president ng Philippine Tour Operators Association.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang gagawin ng mga naaprubahan ang visa, pero hindi na abot sa schedule ng Sakura Festival?

Sabi ni Yu, “Ang kanilang Sakura… una siya is yung Tokyo. Kung talagang yun ang hahabulin natin, ang una natin ay March 20, ‘tapos magpu-full bloom iyan ng March [25 o 29], kasi one week...”

Pakatandaan: mas agahan ang visa application.

“Kaya laging sinasabi ng VFS ng Japan na mag-prepare kayo at least three to four months in advance kung kayo po ay talagang magplanong pumunta sa Japan at saksihan ang mga ganitong klaseng festival.”

Read: Filipino groups eligible for South Korea visa-fee waive

OTHER PLACES WITH SAKURA FESTIVALS

If gusto pa ring makapunta this year, ani Yu, “per prefecture” naman ang cherry blossoms sa Japan kaya puwedeng sa ibang lugar bumisita ang Pinoy travelers.

Ang prefecture sa Japan ay katumbas ay “state” sa ibang bansa.

“Andiyan pa naman po yung Hokkaido o yung Sapporro kasi ang cherry blossoms sa Hokkaido ay mangyayari pa sa last week ng April, and ang full bloom po noon ay May pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So baka yun pa ho, baka mayroon pa tayo doon pagkakataon na masaksikhan ang cherry blossoms. Huwag na po tayo doon sa malapit na yung mangyayari sa March. Di kakayanin.”

Sinang-ayunan din ni Yu ang mungkahi ng DZMM anchor na si Alvin Elchico na may ibang north prefectures—tulad ng Yamagata, Ibaraki, at Aomorina may katulad na festivals din at di na aabot sa Hokkaido na mas malayo.

Dagdag niya: "So kaya pa naman yung mga Yamagata na iyan. Puwede pa iyan kasi medyo malayo pa naman ang blooming sa kanila.”

Ang isa pang puwedeng gawin ay i-check parati ang appointment system.

“Ang sabi ng VFS ng Japan, magtiyagang pumunta sa kanilang appointment system kasi minsan, may nagka-cancel. So pag may nag-cancel, puwede kang makakuha ng appointment."

VISA-APPLICATION FEES

May mga lumabas na balitang magtataas ng visa at document application fees ang Japan.

Sinabi ni Yu na wala pang nakakarating sa kanilang abiso at nais nilang ituon muna ang pansin sa first and second quarters ng taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon daw ay nananatiling pareho ang fee.

Kung direkta raw ang applicant sa Japan VFS, ang fee ay nagkakahalaga ng PHP520.

May lounge din daw na tinatawag at ang halaga rito ay PHP2,000.

Meron daw option ang traveler kung idadaan sa travel agency.

“Pero kung dadaan po sila sa amin, sa travel agency… kasi mas maayos na idadaan sa travel professional kasi matsi-check ang document bago isalang.”

Ang charge raw nila ay mula PHP1,500 hanggang PHP2,500 “depende sa sitwasyon ng application.”

Ipinaliwanag din ni Yu ang benefit ng pagdaan sa travel agencies ng mga travelers.

"Huwag tayong masyadong magpakakumpiyansa sa pagpa-file ng sarili nilang visa kasi… marami po doon, hindi nila napapansin nagiging dahilan ng refusal ng kanilang visa...

“Hindi po nila alam na dapat mayroon silang mga sinasagot doon sa application. Maliit iyon pero hindi nila napapansin may mga dokumento sila na kailangang i-submit, na parang akala nila, hindi na pupuwede, pero dapat palang i-submit kaya nare-refuse ang application ng isang aplikante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Many Pinoys are traveling to Japan because of the main Sakura Festivals in Tokyo or Kyoto. A travel agency officer gives suggestions on alternative destinations that also hold Sakura Festivals at a later date.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results