PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy visa applications for Japan rose to unprecedented levels

Yup, no more slots for applications until May 2026.
by Bernie V. Franco
Published Jan 30, 2026
Japan, Philippines
"Record high" and "uprecedented level." This is how Japan Embassy describes the number of Filipino travelers wanting to visit Japan.
PHOTO/S: Canva

Lumalabas sa datos na inilabas ng Japan Embassy in Manila na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong bumisita sa Japan sa mga nakalipas na taon.

Ito ang binanggit na dahilan kung bakit naubos agad ang slots para sa visa application.

Sabi pa ng Japan Embassy, “unprecedented levels” ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy tourists,

This 2026, dagsa ang visa application para masaksihan ang Cherry Blossoms season o Sakura Festival.

Nauna nang ini-report ang pahayag ng isang official ng travel agency group sa bansa na puno na hanggang April 2026 ang schedules for visa applications ng mga Pinoy travelers.

Ang ilang travel agencies, nag-announce na sa June 2026 na sila muling magbubukas ng slots.

“Visa applications from Filipinos to visit Japan have increased to unprecedented levels, excluding the level during the pandemic period [2019],” pahayag ng Japanese Embassy in Manila sa statement na ipinadala sa Philippine News Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa 8.1 percent naman ang naitalang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong bumisita sa Japan noong 2025 kumpara sa 818,000 nung 2024.

“The Embassy of Japan welcomes our Filipino friends’ growing interest in visiting Japan, with the number of Filipino visitors reaching a record high of 880,000 in 2025."

Read: Japan visa-application slots full until April 2026

JAPAN ADDRESSES ISSUES ON VISA PROCESSING IN 2025

Makikita rin sa datos ng Japan Embassy na mula five digits noong 2013, naging six digits ang bilang ng Pinoy travelers with short-stay visas pagdating ng 2023.

Mula sa 73,143 noong 2013, umakyat ito sa 450,000 noong 2023.

Tumaas pa ito ng hanggang 490,907 noong 2025.

Para tugunan ang tumaas na demand sa visa, nagsagawa ng “fundamental overhaul” sa visa processing system noong April 2025.

Nagbukas noon ang Japan ng visa application center para mas mapabilis ang visa issuance.

Noong December 2025 ay inilunsad din ng Japan Embassy ang e-visa para sa mga grupo ng Filipino travelers sa Japan na organized ng designated travel agencies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Record high" and "uprecedented level." This is how Japan Embassy describes the number of Filipino travelers wanting to visit Japan.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results