Napaulat ang pag-usbong ng mga bulaklak sa isang cherry blossom tree sa Baguio Country Club (BCC) nitong mga nakaraang araw.
Nataon pa ang pamumulaklak ng puno ilang araw bago ang pagsisimula ng Flower Festival o Panagbenga Festival sa City of Pines.
At binanggit sa ilang ulat na hindi na nga raw kailangang magpunta pa sa Japan para masilayan ang cherry blossoms sa Sakura Festival dahil meron na sa Pilipinas.

FIRST BLOOM OF CHERRY BLOSSOM TREE AFTER SEVEN YEARS
Pitong taon ang inabot bago tuluyang mamulaklak ang cherry blossom tree.
Ayon sa management ng country club, tinutukan nila ang pag-aalaga ng puno na tumutubo lamang sa malamig na klima.
“After seven years of careful nurturing, one of the sakura trees at Baguio City Country has finally bloomed,” post ng BCC sa Facebook noong January 24, 2026.
“Encouraged by Baguio’s cool climate, similar to the conditions sakura trees need to thrive, its delicate blossoms have quietly emerged, marking a rare and meaningful moment.”
Binanggit ding hindi biro ang pag-aalaga ng pamosong puno.
“Sakura trees are known to take years before flowering, making this first bloom a true testament to patience, nature, and time.
"A fleeting yet beautiful reminder that some of the most rewarding sights are worth the wait.”
Kaya kahit kalbo at parang patay ang puno kung titingnan mula sa malayo, magandang senyales ang pamumukadkad ng mga bulaklak.
WHERE THE CHERRY BLOSSOM TREES CAME FROM
Labing-walong Sakura trees ang idinonate sa country club, ulat ng Regional News Group – Luzon.
Ilang Japanese nationals na nagbakasyon noon sa country club ang binigay nila ang ilang puno higit pitong taon na ang nakalilipas.
“The sakura trees were donated to the Club by Japanese nationals Mr. Shinji Okomora and Mr. Shingeru Tsunashima, together with BCC member Mr. Paz Suzuki, in June 2018 and May 2019,” bahagi sa post.
Out of the 18 trees, ang isang punong ito ang naunang nagkaroon ng bulaklak.
“Nung binantayan natin iyan, medyo umasa tayo na tutubo kaagad. Pero hindi, ‘no. Hindi pala ganoon kadali,” hayag ni Andrew Pinero, corporate communication manager ng country club.
Nagulat na lamang daw sila nang mapansing nagkakaroon na ng bulaklak ang isang puno.
“Pero ngayong taon na ito, just a few weeks back, napansin namin medyo tumutubo-tubo na na mga flowers, which is a very good sign, probably because of the cold weather that we have.
“Noong una, very challenging siya. Kailangan lang pala talaga is patience at pag-aaruga.
“I think our team has learned how to take care of it. They’ll take it from there.”
Umaasa si Pinero na magpapatuloy ang pagtubo at pamumulaklak ng iba pang cherry blossoms.
“First and foremost, yung weather ang mag-a-affect sa pagbu-bloom niya kasi yung Sakura naman is iba sa Japan. Malamig doon at saka meron siyang winter.
“May requirement talaga ang Sakura na cold area.”

Read: Benguet's Sakura park is your next picture-perfect destination
NETIZENS REACT
Sa Facebook post ng BCC, magkahalo ang komento ng netizens.
Sabi ng isa, masyado raw “overhyped and overrated” ang tungkol sa balita tungkol sa namulaklak na cherry blossom tree.
“There are more beautiful and lovely flowers in Baguio, not only sakura,” hayag nito.
Katwiran naman ng isa, “It’s not that it’s overhyped (I mean yeah, it is) but it’s mostly because its been 7 years since it bloomed in the Philippines.”
May isang netizen na natuwa sa balitang ito. Nagpunta raw kasi siya sa country club tatlong taon na ang nakakaraan.
“I was then thinking, will it thrive in Baguio? I even took picture of the young Sakura tree. Wow! Now it has flowers,” sabi pa nito.

Bahagi naman ng komento ng isa pang netizen, “Huy pwede pala…”
Sabi ng isa pa, "May sakura na sa Baguio."



