Kasama ang Pilipinas sa mga bansang exempted sa visa requirement upang makabisita sa underrated country ng Republic of Armenia.
Ang qualified Filipino citizens ay maaaring manatili ng hanggang 180 days o tinatayang kalahating taon sa Armenia.
There are 113 countries na binigyan ng temporary visa exemption mula January 1 hanggang July 1, 2026.
Sa mga hindi nakakaalam, ang Armenia ay isa sa may pinakamatandang sibilisasyon.
Bagama’t ito ay nasa kontinente ng Asya, mayroon itong malawak na kapatagan na nasa gitna ng Europe at Asia.
Karatig bansa nito ang Turkiye, Iran, Azerbaijan, Nakhchivan, at Georgia.
REQUIREMENTs FOR ELIGIBILITY of visa exemption
Pero may mga requirements para maka-avail sa visa exemption.
Una, dapat ang travelers ay may valid residence permit na issued ng U.S., European Union members, at Middle East countries tulad ng United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, at gayundin sa Schengen Area countries.
Pangalawa, valid dapat ang residence permit habang nasa Armenia.
Sa visasnews.com, inisa-isa ang requirements para sa mga travelers na bibisita sa bansa.
Kinakailangang i-present ang residence permit bilang physical card o sticker na nakadikit sa passport.
Dapat ay included, in Latin characters, ang important information tulad ng pangalan, nationality, birthday, at ang validity period ng document.
Ipinaalala rin na ang border authorities ang magtsi-check para i-verify ang validity at compliance ng mga documents bago makapasok sa bansa.
Ang announcement ay lumabas sa iba’t ibang foreign travel journals.

Read: Filipino groups eligible for South Korea visa-fee waive
THE WONDERS OF ARMENIA
Batay sa kasaysayan, ang Armenia ang kauna-unahang bansa na nag-adopt ng Christianity bilang state religion.
Ang history nito ay mas matanda pa sa ancient Rome.
Noong 2025, pinarangalan ang Armenia bilang Destination of the Year for Adventure Tourism ng Pacific Area Travel Writers Association, isang non-profit at non-government organization ng professional international media practitioners.
Dahil naging hub ito ng ancient civilization, kabilang sa ipinagmamalaki ng Armenia ay mga historical and old buildings nito.
Maging ang pamumuhay sa capital city nitong Yerevan ay mixture ng modern at traditional.
Makikita sa mga kalsada ang mga luxury cars pati na rin ang Lada, lumang automobile sa Armenia na dapat sana ay naka-display na raw sa museum.

Ang isa pang puwedeng bisitahin dito ay ang 2,500-year-old na Gyumri City.
Dito makikita ang mga sinauna at nakamamanghang architectural pieces, tulad ng mga lumang church at cathedrals, ang makasaysayang mga kalsada, at mga museums at galleries.
Bukod pa rito, dahil patag ang bansa, marami rin itong outdoor site.
Ang Dilijan ay kilala sa scenic mountains nito na perfect para sa hiking.
Naroon din ang Lake Sevan, ang pinakamalaking lawa sa South Caucasus at pinakamalaking freshwater high-altitude lakes sa buong mundo.
Marami rin ditong kilalang monasteries tulad ng Sevanavank na kilalang tourist spots.

Read: Philippines included again in Canada’s visa-free travel program
A STEP TO BOOST TOURISM
Ang temporary visa exemption initiative ng Armenia ay hakbang nila para i-boost ang turismo nito.
“This decision is a clear invitation to travellers around the world. Armenia is open and welcoming, and we look forward to sharing our culture, landscapes, and hospitality with more visitors throughout 2026,” ayon sa pahayag ni Lusine Gevorgyan, chairperson ng Armenian Tourism Committee.
Samantala, mayroon ding initiative ang Armenia na electronic visa system para sa mga required na kumuha ng visa.
Ang e-visa system ay mas simplified at puwedeng gawin through evisa.mfa.am.
Narito ang dalawang uri ng visa:
- Visa ng hanggang 21 days, sa halagang $8 USD (PHP464);
- Visa ng hanggang 120 days, sa halagang $38 USD (PHP2,202).
Ang application process ay entirely online at ang processing ng visa ay maaaring tumagal ng hanggang three working days.
