Nadagdag ang Angola sa mga bansang puwedeng bisitahin ng mga Pilipinong passport holders nang hindi na kailangan ng visa.
Ang announcement ay nagmula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Tourism (DOT).
Maaaring manatili ng hanggang 30 days ang mga Pilipinong magpupunta sa southern African country na ito, habang papayagan silang manatili ng hanggang 90 cumulative days kada taon.
Sa inilabas na memo ng DOT at DFA, binanggit na inamiyendahan ng Government of the Republic of Angola ang tourist visa exemption regime nito at idinagdag ang Pilipinas.
“For context, the Embassy of Angola in Manila informed the DFA on 6 March of the visa-free entry arrangement for Filipino tourists for short-term stay of up to 30 days,” ayon sa mensahe ng DFA sa Inquirer.
Gayunpaman, paalala sa memo: “All travelers must still comply with applicable conditions under Angolan law.
“It is recommended to verify all travel documents before departure.”

Read: Paraguay soon to be visa-free for Filipinos
WHAT TO DO IN ANGOLA
Ang Angola ang ikapitong pinakamalaking bansa sa kontinente ng Africa.
Ito rin ang second-largest Portuguese-speaking country, kasunod ng Brazil.
Sagana rin ito sa likas na yaman, specifically oil and diamonds.
Ang capital nito ay ang Luanda.
Kabilang sa mga dinarayo ay ang Tundavala Gap, isang mataas na cliff kunsaan puwedeng matanaw ang panoramic view ng malaking bahagi ng Angola at ang masaganang kalikasan nito.

Ang Colinas Curoca, rehiyon sa southern Angola, ay pamoso naman sa mga burol at kakaibang rock formations nito.
Bukod sa magandang natural landscape, puwede rin mag-hiking dito at mag-nature tripping.
Ang Kalandula Waterfalls, isa sa pinakamalaki sa buong Africa, ay makikita sa northern Angola. Napapalibutan ito ng mayabong na mga tanim.
Sagana rin ang Angola sa mga national parks na ipinagmamalaki ang magagandang landscapes at diverse wildlife, tulad ng Kissama National Park.
Samantala, maraming museums na nagpapasilip sa mayamang kasaysayan ng bansa, pati na rin ang 500-year slavery ng mga Angolans.

Read: Pinoys can now visit Armenia without a visa
