Sa pagba-back out ng Hermano Puli sa 2015 Metro Manila Film Festival dahil sa kakulangan daw ng pondo para ma-produce ang nasabing pelikula, nakapasok ang Conman: Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.
Ang Conman: Honor Thy Father rin ang opening movie ng Cinema One Originals Film Festival na ginanap kagabi, November 8, sa Trinoma.
Si John Lloyd ay gumanap bilang Edgar, ang asawa ni ng karakter ni Meryll Soriano. Ang kanilang pamilya ay nasangkot sa isang quick-rich scheme at gagawin ni Edgar ang lahat para siguraduhing ligtas ang kanyang asawa at anak na si Angel (played by Krystal Brimner).
“Exciting kasi parang tine-test mo yung audience,” ani John Lloyd Cruz. “For sure it’s not gonna be your typical MMFF film pero since may clamor naman for alternative cinema, baka magandang pagkakataon ito.”
Ayon sa producer na si Dondon Monteverde ng Reality Entertainment, walang problema sa MMFF 2015 committee na ipalabas ang crime thriller bago ang December 25 dahil “by invitation” ang opening night at walang ticket selling.
Sa panayam ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd sa Cinema One Originals opening night, nagpahayag ng excitement ang aktor sa pagkakapasok ng kauna-unahang indie film na kanyang ginawa para sa taunang film fest.
Kadalasan na nangunguna na mga pelikula sa MMFF 2015 ay mga pelikulang may temang comedy, drama, love story o horror. Ninenerbiyos ba si John Lloyd na baka hindi kagatin ang pinagbibidahang pelikula dahil dark ang tema ng Conman?
“Sabi ko nga since marami tayong naririnig especially sa mga netizens sa atin na laging naghahanap ng iba, bago naman daw, so siguro ito yung magandang sagot. Kung talaga naghahanap kayo ng iba, you might wanna watch this film.”
“Career move I don’t l know, gusto ko lang namang gumawa ng pelikula, maging parte ng sine at ng sining na ito so pagnagkakaroon ng pagkakataon na maimbitahan ka, maging parte ng isang pelikula na kagaya nito, yun lang naman ang habol ko.”
Binahagi ng aktor na hindi naging madali para sa kanya ang karakter na ginampanan sa Conman kung saan nagpakalbo pa siya para mas maging makatotohanan ang papel na binibigyang buhay.
(View photos: John Lloyd Cruz shaves head for crime thriller about a ponzi scheme)
Kuwento pa ni John Lloyd, “Well, yeah first time ko rin yung ginawa sa buhay ko but maghirap siguro yung pagbabago na hinarap ko especially sa simula ng filming namin. Siyempre iba yung theme, first time namin ni Direk Erik so yung adjustment period nung simula ang medyo mahirap but nung nag-rolyo na kami, nag tuloy-tuloy na.”
Nakilala at tinangkilik sa drama lalo na sa mga romcom na pelikula, ang Coneman para sa aktor ay barometro na rin para malaman kung handa na ba ang publiko lalo na ang mga tagahanga na gumanap siya ng kakaibang mga roles.
“Actually gusto kong malaman kung handa sila. At the end of the day it’s just cinema and I’ happened to be an actor. San ba ako lalabas kundi sa sine so sana magustuhan nila pero kung hindi man, it’s just a story we wanted to tell. Di ko masasabi na magugutustuhan nila o hindi, sa akin that’s not the point at all.”
Labis-labis naman ang pasasalamat ng aktor na opening salvo ng 11th edition ng Cinema One Originals ang Conman.
“I’m very excited, very thankful ako sa Cinema One for considering our film Conman para mag-open ng Cinema One Originals.
MOVIE WITH LAV DIAZ. Isa pang pelikula ang ginagawa ni John Lloyd, ang Hele sa Hiwagang Hapis kung saan makakasama niya si Piolo Pascual.
Ayon sa aktor ay isang napakagandang oportunidad na mkatrabaho niya ang director nito na si Direk Lav Diaz at kapatid sa ABS-CBN na si Piolo.
“It’s an opportunity to work with, of course, the only one Lav Diaz, kahit sino namang aktor, paano ko ba matatanggihan ang ganung pagkakataon?
“Medyo kakaiba yung the whole experience kakaiba. Parang di ko rin masasabi kung nabuo yung experience. I would love to work with him again. Alam mo sabi nga nila, ilang taon ko na ring sinasabi, indie, mainstream, at the end it’s still cinema. It’s just a film. Sana magkatrabaho uli kami.”
A SECOND CHANCE WITH BEA. This November, mapapanood na rin ang sequel ng One More Chance, ang romantic movie na A Second Chance kung saan makakatambal niya muli si Bea Alonzo.
Hiningan namin ng komento si John Lloyd sa reaksyon ng iba na sana daw ay hindi na ginawan pa ng sequel ang nasabing pelikula dahil baka di nito maabot ang tagumpay na nakamit ng One More Chance.
“Medyo sunod-sunod yung pelikula na lalabas kaya nakakakaba kasi it’s been a while tapos sunod-sunod so tingan na lang natin kung ano ang mangyayari.
“Yeah, kasi siyempre after eight years, kina Popoy at Basha ano ba ang nagbago? Ano ba ang nangyari sa kanila? Kung excited kayong makita, kami rin excited rin kaming maipakita sa inyo. Kagaya nito, dapat sa panahong ngayon ang audience dapat laging nae-excite. Dapat di sila ma-bore sa binibigay nila kaya excited ako sa mga mangyayari sa last quarter ng taon and early next year.”
“Well, di ko alam kasi ako di ko naman call yun, di ko rin naman choice na ituloy ito, ang tanong ko lang naman ano ba ang istorya ng kuwento natin? Naniniwala kaming lahat, the creators, our writers, our director, our producers, it’s a story worth telling. Yung mga naghahanap, na-stop na tayo sa One More Chance, lahat tayo nagtataka, nag-iisip kung ano na ba ang nangyari sa kanila? Tingin ko na magandang pagkakataon na ikuwento kung ano ba ang naging buhay nila.”
TIME FOR HIS GIRLFRIEND. Ang girlfriend niya ni John Lloyd na si Angelica Panganiban ay nag-celebrate ng kanyang 29th birthday noong November 4. Agad naming tinanong ang aktor kung paano ba nila nag-celebrate at kung ano ang naging regalo niya dito.
“Siya nag-taping, ako nag-shooting so pareho kaming medyo busy ngayon so wala pang pagkakataon. Alam mo ang time it’s always a precious gift, magkaroon lang kami ng pagkakataon na mag-celebrate, okay na kami.”
