PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano says about Robin Padilla: "Masaya siya na sa akin napunta [ang Nilalang]."

Cesar Montano talks about Nilalang leading lady Maria Ozawa.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 14, 2015


Nagpapasalamat si Cesar Montano na muli siyang nakagawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2015.

Ito ay ang Nilalang na produced ng WeLovePost, Haunted Tower Pictures, and Parallax Studios.

Sa naganap na premiere night ng Nilalang sa SM Megamall Cinema 7 noong Linggo, December 13, muling na-excite si Cesar dahil sa pelikula niyang ito.

Ito raw kasi ang muling pagbibida niya sa isang MMFF movie.  “Na-miss ko ang gumawa ng pelikula for the MMFF.

“The last time na ako ang lead actor and director was Ligalig in 2006.

“Kaya noong i-offer sa akin ito ni Direk Pedring Lopez, hindi na ako nagdalawang isip pa.

“Magaling ang buong pelikula. Ibang-iba ang dating. Ma-appreciate ito ng maraming tao ngayon,” ngiti pa niya.

Ilang beses nang nanalo ng award bilang aktor si Cesar sa MMFF.   Una siyang nanalo in 1989 as best supporting actor sa pelikulang Ang Bukas Ay Akin.

Nanalo naman siyang best actor in 1998 for Jose Rizal and in 2006 for Ligalig.

In 2004, nanalo siyang best director for Panaghoy Sa Suba.

Nauwi naman niya ang best supporting actor trophy in 2012 for El Presidente.

At kahit hindi si Cesar ang original na choice para sa lead role sa Nilalang, hindi naging issue iyon para sa aktor.

Si Robin Padilla ang unang choice pero nag-resign ito dahil sa personal na rason.

“Kahit siguro pang-100th choice pa ako, ang importante, ako ang nasa pelikula.

“Nagkausap naman kami ni Robin upon learning na ako ang pumalit sa kanya.

“Masaya siya na sa akin napunta kasi wala rin daw siyang maisip na puwede kundi ako.

“Flattered naman ako kasi marami namang puwedeng pagpilian na aktor si Direk Pedring. Pero ako pa rin ang naisip niya kaya maraming salamat. Masaya ang Pasko nating lahat dahil sa MMFF!”

Mas naka-concentrate si Cesar sa paggawa ng mga movies kesa sa gumawa ito ng teleserye. 

Sa politics, walang raw balak na tumakbo ulit si Cesar sa anumang posisyon sa gobyerno in 2016.

“May mga invitations ulit ako to run, pero may mga commitments na ako for 2016.

“I will be doing a movie in Hollywood sa January 2016.

“Mahirap na mag-commit sa iba dahil naka-set na ang utak ko sa paggawa ng movies.

“I also want to go back to film producing.

“Uso naman ang indie films kaya baka puwede tayong bumalik sa paggawa ng mga pelikula next year."


[gallery id="8352"]


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results