PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joem Bascon confident younger co-stars can push MMFF 2015 entry, Haunted Mansion

Joem Bascon thinks Haunted Mansion co-stars led by Janella Salvador can be tomorrow's big stars.
by Rose Garcia
Published Dec 22, 2015


Hindi nababahala si Joem Bascon kahit naglalakihan ang mga pelikulang kalahok  sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kampante siya na malakas ang laban ng kanilang pelikula na Haunted Mansion dahil tampok dito ang mga popular na batang artista ngayon.

“Bagets ‘tong mga ‘to! At siguro, ito ang mga bagong henerasyon ng aktor,” ang natawang sagot ni Joem  nang tanungin siya kung ano ang nakikita niyang edge ng Haunted Mansion under Regal Films sa mga pelikulang kalaban nila.

Pinagbibidahan nina Janella Salvador, Jerome Ponce, at Marlo Mortel ang Haunted Mansion.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) is Joem sa presscon ng pelikula sa Valencia Events Place, Quezon City.

Paliwanag niya, "Siguro sila ang papalit or I mean, sila na yung mga bagong mamahalin ng mga tao ngayon. And with Direk Jun Lana, tinulungan niya talaga ang mga bata.”

Kaya ba ng bagets co-stars niya magdala ng malaking pelikula?

Tugon ni Joem, “Well, honestly now, siyempre hindi natin masasabi sa MMFF. Minsan, meron na lang biglang magbu-boom na pelikula, parang kina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi natin alam na bigla na lang mag-boom. I’m hoping na sana, ganun kami, mag-boom siya. Siyempre kasi, bata pa sila. Alam mo naman ang MMFF, teritoryo nila Ms. Kris [Aquino] ‘yan, Vice Ganda. Pero with this one, sana po.

“Kasi, underdog kami agad dito pero sana po maging okay.”


STORYLINE. Ginampanan ni Joem ang karakter na caretaker ng mansion na pag-aari nila Iza Calzado at LJ Reyes.

Kuwento ni Joem, “Sa amin po umikot ang story dahil si Iza, mahilig sa witchcraft and then, dun nagsimula, nag-ugat ang pagiging haunted ng bahay.”

Ayon kay Joem, “Siguro, ang isa rin sa kailangan nilang makita kung sa end, ako ba yung naging rason o ako ang tumutulong sa kanila.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results