Gloc-9 performs in proclamation rally of Grace Poe's spokesman

Apr 5, 2016
<p>Few days after his perfomance in Abby Binay's campaign sortie, rapper-singer Gloc-9 (main photo) was spotted at the proclamation rally of Senator Grace Poe's (upper right photo) spokesman and Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian last night, April 4

Kagabi, April 4, naging visible muli si Gloc-9 sa isang campaign sortie para naman sa partido ni Senator Grace Poe, na tumatakbo sa pagka-pangulo para sa 2016 elections.

Ang naturang proclamation rally na isinagawa sa Valenzuela City ay para sa kandidatura ni Mayor Sherwin Gatchalian na tumatakbo ngayon sa pagka-senador.

Tiyempong naroon din si Senator Poe upang ipakita ang kanyang suporta kay Mayor Gatchalian na tumatayong spokesman ng senadora at kapartido sa ilalim ng Team Galing at Puso.

Look: Grace Poe, Chiz Escudero announce senatorial bets under 'Team Galing at Puso'

Sa isang maiksing panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumusta namin ang naging performance ni Gloc-9 kagabi.

Katulad din daw ng ibang sortie kung saan naiimbitahan siyang kumanta, nakikipagsabayan ng kanta ang mga tao at nagtsi-cheer.

Inawit din ng rapper-singer ang hit songs niya tulad ng “Sirena,” “Sumayaw Ka,” “Upuan”, at “Balita.”

Continue reading below ↓

Isa itong patunay na bilang isang rapper at mang-aawit kaya lamang nakikitang nagpe-perform si Gloc-9 sa mga proclamation rally.

Taliwas ito sa naging paratang ng ilang bashers na iniendorso ng rapper-singer ang partikular na pulitiko.

Matatandaang umani ng pambabatikos si Gloc-9 mula sa netizens matapos siyang mag-perform sa campaign sortie ni Makati City second district representative Abby Binay.

Si Abby, na kumakandidato bilang alkalde ng Makati City, ang talagang may kampanya noong gabing yun ng March 28.

Nagkataong dumating lang din ang ama nitong si Vice President Jejomar Binay, na kumakandidato naman bilang presidente sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA).  

Read: Gloc-9 breaks silence on criticisms against him after performing at Binay political rally

Read Next
Read More Stories About
Gloc 9
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Few days after his perfomance in Abby Binay's campaign sortie, rapper-singer Gloc-9 (main photo) was spotted at the proclamation rally of Senator Grace Poe's (upper right photo) spokesman and Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian last night, April 4
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results