Dingdong Dantes, Vic Sotto, Ogie Alcasid support Grace Poe

Apr 6, 2016
<p>Sen. Grace Poe reveals that Dingdong Dantes and Ogie Alcasid have expressed their desire to support her presidential bid in the 2016 elections. Meanwhile, Vic Sotto and wife Pauleen Luna attend Poe's campaign rally in Cebu to support re-electionist Tit

Kinumpirma ni presidential candidate Sen. Grace Poe na nagpahayag na ng intensiyon sina Dingdong Dantes at Ogie Alcasid para suportahan siya sa pagkapangulo sa darating na May 2016 elections.

Noong September 2015, ilang araw bago ang announcement of candidacy ni Grace, napabalitang mangunguna ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera sa showbiz personalities na susuporta sa kanyang kandidatura.

Pero hindi nakarating si Dingdong sa announcement of candidacy ng senadora noong September 17, 2015.

Read: Dingdong Dantes, Marian Rivera to support Grace Poe's candidacy in 2016 elections?

Pero sa ginanap na inauguration ng “Bahay ni Poe” volunteers’ centre sa Lapu-Lapu City, Cebu, nitong Martes, April 5, ipinaliwanag ni Grace kung bakit hindi kaagad-agad nagpahayag si Dingdong ng pagsuporta sa kanya.

“Dingdong has been very supportive, kaya lang hindi siya kaagad-agad lumabas sapagkat meron siyang National Youth Commission [NYC]. Pero he has told me that he would like to support me,” anang senadora sa mga press sa Cebu.

Continue reading below ↓

Commissioner si Dingdong ng NYC, isang government agency sa ilalim ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ikinampanya ni Dingdong si PNoy noong 2010 sa presidential elections sa ilalim ng Liberal Party (LP).

Naglabasan naman sa iba't iibang ulat na inaasahang magbibitiw ngayong linggo si Dingdong bilang NYC commissioner upang maikampanya si Grace, na mula sa isang independent party, ang Team Galing at Puso.

Hindi man ikakampanya ni Dingdong si Mar Roxas, ang standard bearer ng LP, inaasahan namang susuportahan niya ang vice presidential candidate ng partido na si Leni Robredo.

Bukod kay Dingdong, susuporta rin si Ogie kay Grace, ayon sa tweet ng GMA reporter na si Xianne Arcangel.

Isa si Grace sa mga ninang sa binyag ni Maria Letizia, anak nina Dingdong at Marian, noong February.

VIC AND PAULEEN ATTEND TEAM GP CAMPAIGN SORTIE. Samantala, dumalo rin ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa ginanap na campaign rally ng Team GP sa Cebu, upang magpakita ng suporta kay re-electionist Tito Sotto, na kabilang sa senatorial candidates ng nasabing partido.

Continue reading below ↓

Naroon din sa nasabing event ang ABS-CBN actress na si Bela Padilla at Eat Bulaga! co-host na si Ruby Rodriguez.

Daghang salamat Cebu! VICENTE TITO SOTTO #46 sa balota! ?????

A photo posted by Marie Pauleen Luna Sotto (@pauleenjlunasotto) on

Sa Twitter account ng running mate ni Grace na si Sen. Chiz Escudero, nag-post ang senador ng larawan nila ni Vic na kuha mula sa Cebu campaign rally

Sinabi naman ni Tito noong February na kapag nanalo ang buong slate ng Team GP, dadalhin niya ang Eat Bulaga! Dabarkads, pati na rin ang AlDub, sa San Carlos City, Pangasinan, upang doon mag-show, indikasyog solido ang suporta ng buong Eat Bulaga! sa partido ni Tito.

Read: Senator Tito Sotto namedrops Eat Bulaga!, AlDub in political campaign

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sen. Grace Poe reveals that Dingdong Dantes and Ogie Alcasid have expressed their desire to support her presidential bid in the 2016 elections. Meanwhile, Vic Sotto and wife Pauleen Luna attend Poe's campaign rally in Cebu to support re-electionist Tit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results