Bongbong Marcos faces plunder complaint due to pork barrel scam

Apr 7, 2016
<p>"Iyan naman ang ginagawa, kapag hindi ka kaalyado ay kinakasuhan. Pag kaalyado kahit sangkot [sa katiwalian] ay walang ginagawa. Kaya siguro naging biktima na tayo diyan," says Senator Bongbong Marcos, alluding to president administration as the one be

Sinampahan si vice-presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng reklamong plunder ng grupong i-Balik ang Bilyones ng Mamamayan (iBBM) sa Office of the Ombudsman kahapon, April 6.

Kaugnay ito ng alegasyong sangkot diumano si Bongbong sa pagkamal ng pondo mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam.

Ayon sa 18-page complaint ng iBBM, nagbigay diumano ang senador ng halagang P205 million sa anim na pekeng non-government organizations (NGOs) na hinihinalang pag-aari ng tinaguriang pork-barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Base umano ito sa naitalang datos mula sa ledger ni Benhur Luy, ang pangunahing testigo sa mga diumano’y maanomalyang pakikipagtransaksiyon ni Janet sa ilang sangkot na mambabatas.

Dito ay nakasaad na nag-isyu diumano si Bongbong ng P250 million na pondo sa anim na bogus NGOs, sa pamamagitan ng siyam na special allotment release order (SARO), mula October 2011 hanggang January 2013.

Ang nilalaman ng naturang ledger ni Luy ay naunang nailathala sa Philippine Daily Inquirer noong May 14, 2014.

Continue reading below ↓

BLACK PROPAGANDA? Sa kabilang banda, nanindigan si Bongbong na walang katotohanan ang alegasyong nag-uugnay sa kanya sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Tahasan ding sinabi ng senador na naniniwala siyang may kinalaman ang administrasyon ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III sa reklamong ibinabato sa kanya ngayon.

Lalo pa’t tradisyon na umano ng “present administration” ang pagkakaroon ng “selective justice” system.  

Sabi pa ni Bongbong, ayon sa ulat ng GMA News Online, “Yun na nga ang problema sa atin. Everything is all about politics.

“Yung justice natin nagiging pulitika na rin.

“Iyan naman ang ginagawa, kapag hindi ka kaalyado ay kinakasuhan.

“Pag kaalyado kahit sangkot [sa katiwalian] ay walang ginagawa. Kaya siguro naging biktima na tayo diyan.”

Read Next
Read More Stories About
Bongbong Marcos
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Iyan naman ang ginagawa, kapag hindi ka kaalyado ay kinakasuhan. Pag kaalyado kahit sangkot [sa katiwalian] ay walang ginagawa. Kaya siguro naging biktima na tayo diyan," says Senator Bongbong Marcos, alluding to president administration as the one be
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results