Aiza Seguerra to Mar Roxas: "Kawawa ang Pilipinas lalo na ang mga mahihirap kapag ikaw ang nanalo."

Apr 8, 2016
<p>Tinuligsa ni Aiza Seguerra ang naging pahayag ni Mar Roxas tungkol sa diumano'y may nagpondo sa mga nag-rally na magsasaka sa Kidapawan na nauwi sa madugong dispersal nitong nakaraang April 1.</p>

Kinondena ng singer na si Aiza Seguerra ang naging pahayag ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas tungkol sa mga magsasaka sa Kidapawan na naging biktima ng marahas na dispersal noong April 1.

Sa panayam kay Mar ng ABS-CBN news, sinabi nitong, “May mga reports na hindi mga taga-North Cotabato ang mga tao na andun. Papaano sila dumating dun? Sino nag-finance sa kanila?

“May mga report na may mga pulitiko na nangampanya, ginamit itong okasyon na ito para sa kanilang pangangampanya. Tama ba ito?

“May mga namatay dito, hindi ito dapat na basta-basta lang na headline or basta-basta lang na gagamitin sa pulitika.

“Kinokondena natin ang karahasan na nangyari pero dapat malaman papano nangyari ito.”

Ito ay may kaugnayan pa rin sa palutang ng gobyerno na diumano’y nahaluan ng makakaliwang grupo ang mga magsasakang nais humingi ng ayudang bigas sa pamahalaan.

Sa Instagram kahapon, April 7, galit na galit na tinuligsa ni Aiza ang naging pahayag na ito ni Mar.

Continue reading below ↓

Sabi ni Aiza, “Ibang klase ka. Wala kang puso.

“Hanggang sa huli, politika pa rin ang iniisip mo. ‘Yan ang inuna mong isipin?

“Bakit, will it justify the violent manner by which the protesters were dispersed?

“Kawawa ang Pilipinas lalo na ang mga mahihirap kapag ikaw ang nanalo.

“Ang mamayagpag na naman ay ang mga elitistang kagaya mo.

“But thank you because just by being yourself, you are showing the entire nation your true colors and we are reminded again and again why you don't deserve to be our leader.”

THE SENATE HEARING. Kahapon din, umarangkada na ang Senate hearing tungkol sa nangyaring madugong dispersal ng mga magsasaka sa Kidapawan.

Hindi rin ito pinalampas ni Aiza at pinasalamatan niya ang mga senador sa maayos nilang mga tanong upang mabigyang linaw ang pangyayari.

Pinaalalahanan naman niya ang pulisya sa mga alintutunin nilang dapat sinusunod sa mga ganitong uri ng kuomprontasyon.

Continue reading below ↓

About the senate hearing.

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on

Read Next
Read More Stories About
Aiza Seguerra
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Tinuligsa ni Aiza Seguerra ang naging pahayag ni Mar Roxas tungkol sa diumano'y may nagpondo sa mga nag-rally na magsasaka sa Kidapawan na nauwi sa madugong dispersal nitong nakaraang April 1.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results