Anak ni Alvin Patrimonio naluha dahil sa Kris Aquino issue



Todo-iwas na ang ginagawa ni Angelo Patrimonio sa mga usaping patungkol kay Kris Aquino

Angelo, the second child of the four-time PBA MVP awardee Alvin Patrimonio was first introduced by ABS-CBN Star Magic last month with three other new male stars. They were billed as the “cute boys”—with Angelo being grouped with AJ Reyes, Christopher Gutierrez and Victor Basa. It was his first interview at siyempre, curious ang press about him and what he knows about his father and Kris, na minsang na-link during their younger days.

Angelo parried all the questions to the best of his knowledge and ability ngunit some of his answers were in slants na hindi maganda sa part ni Kris kung kaya’t marami ang nag-react. Natakot si Angelo noon nang naglabasan ang issue tungkol sa mga nasagot niya sa press con, na posibleng magiging rason sana para pagalitan siya ni Star Magic head Johnny Manahan.

A Star Magic PR staff member reported to us na inalam muna ni Mr. M ang lahat ng sides and upon learning that Angelo had nothing to do with it, hindi siya nasermonan. Still, na-trauma ang 17-year-old college freshman student of San Beda College. Because of this incident, Angelo became aloof to the press.

Ngayon, Angelo, together with AJ, Christopher and Victor along with 15 other new stars of Star Magic—headed by the love team of Rayver Cruz and Shaina Magdayao—will star in a new teen show sa ABS-CBN na wala pang final title as of this writing but will be directed by Erick Salud.

For the pictorial of the full cast, nag-imbita on November 2 ang Star Magic ng ilang entertainment reporters to cover the photo shoot and do the initial interview of the cast members. While very excited ang karahiman sa kanila to talk about their show, very guarded naman si Angelo na baka mapag-usapan muli ang issue sa kanila ni Kris so halos hindi siya humarap sa press.

Nagkataon namang napaupo siya sa table kung saan may dalawang kapwa manunulat ang nagtanong about the issue again kung kaya’t naging speechless muli ang binata and after a beat, napatulo ang luha niya. Ang dalawang manunulat naman tuloy ang nag-panic na napaiyak nila si Angelo kung kaya’t nag promise sila na hindi na lang nila ito babanggitin pa.

Angelo apologized to the press for his speechlessness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN