Sunshine Cruz to star again on the big screen



Pumayat lalo ang aktres na si Sunshine Cruz nang nagpalagay siya ulit ng braces sa kanyang mga ngipin dahil hindi raw maganda ang naging resulta noong huli siyang nagpa-braces.

"Kaya heto, payat na nga ako, lalo pa akong pumayat," sabi ni Sunshine sa pictorial ng pelikulang Ligalig noong November 6 sa Scout Rallos, Quezon City.

"Hindi nga ako makakain nang mabuti. Minsan, nakakagat ko ang sarili kong labi. Pero okay lang na magsakripisyo. Kung maganda naman ba lalabas ang resulta, I don't mind na pagkagastusan ang pagpapaganda," sabi pa niya.

Sa pagbabalik-pelikula ni Sunshine, dalawang projects kaagad ang natapos niyang gawin. Una ay ang Inang Yaya with Maricel Soriano and Matthew Mendoza under Unitel Films, at pangalawa ang suspense-thriller na Ligalig na produced ng CM Films nila ng mister niyang si Cesar Montano, na kasama rin sa pelikula bilang aktor at direktor.

Sa Ligalig ay ibang-ibang Sunshine ang makikita ng mga manonood. Nakita namin ang trailer at mukhang maganda ang comeback movie na ito ng aktres.

"Inalagaan ako nang husto ni Buboy [palayaw ni Cesar] dito sa movie," sabi niya. "Gusto kasi niya, kung gagawa rin lang ako ng pelikula, yung maganda na. Nagpagupit pa ako ng buhok para lang maiba ang hitsura ko at bumagay sa role. Todo-bigay rin ang ibinigay kong performance. Sana magustuhan nila kasi para sa Metro Manila Film Festival ito."

Dahil sexy ngayon si Sunshine, marami ang nagsasabi sa kanya na baka mabuntis siya ulit at makalimutan na naman niya ang showbiz.

"Ay, ayoko munang magbuntis, no!" malakas na tawa niya. "Pahinga naman ako ngayon sa paglobo ng tiyan. Hindi madali ang maging nanay ngayon. Kasi nga magkakasunod ang mga anak namin kaya yung gap nila hindi malayo.

"Dusa ang may tatlong anak pero, in a way, fulfilling," patuloy niya. "Kasi sila ang nagdala ng suwerte sa amin ni Buboy. We love our kids [ages 7, 2 and 9 months old] at we make sure na we spend quality time with them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung mabuntis man ulit si Sunshine, okey lang daw pero huwag lang ngayon na nag-e-enjoy ulit siya sa pagiging artista.

"I don't mind getting pregnant again," aniya. "Pero siguro paplanuhin na namin ang ika-apat na baby. Maybe mga two or three years from now. Pagbigyan naman nila muna ako sa pagbalik ko sa showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN