Cold war nina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte tapos na



Natapos na ang cold war ng dalawang StarStruck 1 girls na sina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte.

Nang nagsisimula pa lang ang first artista-search ng GMA-7, nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Yasmien and Nadine because of a joke. Biniro si Yasmien ng mga nag-i-interview sa kanya for the show na magkakampi raw sina Nadine and Jennylyn Mercado against her kung kaya't nag react si Yasmien. Same goes kay Nadine na sina Yasmien and Jennylyn naman daw ang magkakampi.

Natapos ang kanilang StarStruck, hindi na muling nag-usap ang dalawa. Last year, natapos na rin ang StarStruck 2 at nagkaroon sila ng pelikula together, ang Happily Ever After ng Regal Entertainment, hindi pa rin nagkikibuan sina Yasmien and Nadine kahit sa mga press cons na ginawa for the movie.

Middle of this year, pagkatapos ng StarStruck 3, napabalita na sila ang gaganap na mga anak ni Bakekang to be played by Sunshine Dizon. Originally, si Nadine sana ang gaganap na Kristal na magiging kakambal naman ni Charming to be played by Yasmien. Eventually, Lovi Poe filled the shoes of Kristal at si Nadine ang naging Lorraine, ang makakalaban ng kambal sa Bakekang.

Dahil magkasama na naman sila, natanong muli ang dalawa tungkol sa kanilang cold war. Both answered na tapos na raw yun at nakalimutan na nga nila ang dahilan ng kanilang away.

Ngayong may isa pa silang project na pinagsamahan—Canary Films' Pitong Dalagita with co-stars Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Valerie Concepcion, Iwa Moto and JR Trinidad under the direction of Cris Pablo—kinailangan na nila talagang magkaayos at mag-usap.

Sa naturang movie, Yasmien plays a tomboy na in love kay Nadine and that translates to a lot of scenes together.

Sa press con ng Pitong Dalaga last November 7 sa Virgin Cafe, nagpahayag ng kanyang statement ni Yasmien about this: "Tapos na tapos na po yun, huwag nang gawing issue ulit sana ito sa amin ni Nadine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN