Diether Ocampo at Kristine Hermosa magpapakasal na sa 2007



Mismong si Diether Ocampo ang nagkumpirma na pinaplano na nila ni Kristine Hermosa ang pagpapakasalsa 2007. September ang buwang napili ng magkasintahan para raw kungsakali ay maisabay sa birthday ng young actress.

"May plano na talaga kami, pinaghahandaan na lang namin," sabi ni Diether sa panayam sa kanya ng PEP noong November 3 sa Pizza Hut E. Rodriguez, Quezon City. "This time,we want to make things right. Ayaw na naming magmadali. Gusto namingayusin ang lahat. We want to start right."

Samantala, may mga ‘nanliligaw' daw ngayon kay Diether para tumakbong vice-mayor ng Bacoor, Cavite. Pero aminado naman ang aktor na hindi pa sapat ang kanyang kaalaman sa pulitika kaya nag-aalangan siyang pasukin ito.

"Sa akin lang, ang pulitika kasi parang ‘calling' din ‘yan, e," sabi niya. "Kungnandoon talaga ang kapalaran ko, mapapasok ako diyan. Sa ngayon,nakakatulong din naman ako sa mga kababayan natin kahit hindi akopumasok muna sa pulitika. Saka mas magulo diyan kesa sa showbiz."

Sa ngayon, sa kanyang simpleng paraan ay tumutulong si Diether sa mga kababayan nating kapus-palad lalung-lalo na sa mga kabataan. Lingid sa kaalaman ng marami, may foundation ang aktor—ang KIDS Foundation—at sa December 14 at 15 ay may fundraising event ito sa Eastwood City, Libis na ang beneficiaries ay ang mga batang may kanser sa National Orthopedic Hospital.


Next year ay magiging visible na rin sa TV si Diether. Sa January, mapapanood siya sa Rounin, ang fantasy series ng ABS-CBN. May gagawin din daw silang teleserye ni Kristine sa susunod na taon, at hopefully, matatanguan na niya ang ilang movie projects na tinanggihan niya this year dahil sa kanyang busy schedule.

Patuloy pa rin ang tour ng bandang Blow ni Diether. Kamakailan napanalunan nito ang Best Actor award ng 20th PMPC Star Awards for TV para sa pagganap niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN