'Wowowee' co-host cries foul over rumors linking her with Willie Revillame



Mariing pinabulaanan ng actress-TV host na si Janelle Jamer—isa sa lady co-hosts ng ABS-CBN 2 noontime show Wowowee—ang mga kumakalat na balitang may namamagitan daw sa kanila ni Willie Revillame na kasama niya sa nasabing show.

Ayon kasi sa balita ay galing kay Willie ang networking company at real estate business ni Janelle. Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang actress-TV host sa backstage ng Wowowee noong November 11 at ibinigay niya ang kanyang panig ukol dito.

"Unfair naman sa parents ko dahil sila ang may-ari ng nasabing lupa na ipinabebenta sa akin," sabi ni Janelle. "Pagmamay-ari ng lola ko ang nasabing lupa na 190-plus hectares sa Antipolo at ibinibenta pa lang ngayon. Twenty years na itong pag-aari ng lola ko at ‘di kung kanino nanggaling."

Dagdag pa niya: "Doon naman sa Royal Business Club [networking company] ay maliit lang naman ang investment ko doon—mga P1.5 million ang share ko doon. Ipon ko 'yun kasi di naman ako gastador. Ako naman kasi ang klase ng tao na kahit magdildil ako ng asin ay ‘di ako manggagamit ng ibang tao.

"At saka unfair naman kay Kuya [Willie] na pinararatangan na kaya ito nali-link sa mga babae ay dahil binibigyan niya ng pera. Para bang di na siya puwedeng mahalin. Pero si Kuya kasi mahal ko siya bilang kapatid lang at hindi sosobra doon."

Nagsimula raw siyang ma-link kay Willie dahil sa tatlong original lady co-hosts ng Wowowee—Janelle, Iya Villania at Kat Alano—ay siya na lang ang natira. Nagpaalam na sa show sina Iya at Kat.

"Ang naisip ko, posibleng palakasan ang nasa utak ng mga tao," sabi ni Janelle. "Puwede ‘yon kasi wala naman silang ibang basehan. Hindi naman si Kuya ang nagdesisyon [sa pagkawala nina Iya at Kat] diyan kundi ang [ABS-CBN] management."

Patuloy pa niya: "Alam naman ni Kuya Willie ang pagkatao ko kaya never siyang mag-attempt manligaw [sa akin]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN