Melanie Marquez graduates as cum laude



May malaking rason kung bakit larawan ng sobrang kaligayahan ngayon ang Miss International 1979 na si Melanie Marquez. Kahapon, November 20, ay nagtapos ang actress-model ng kursong Business Administration mula sa International Academy of Management and Economics (IAME).

Hindi lang basta graduate ang actress-model—cum laudepa siya sa nasabing commencement exercise na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel kung saan naging guest speaker si Senator Edgardo Angara.

Napakalaking achievement nito para kay Melanie na madalas pagtawanan dahil sa kanyang famous quotable quotes.

"We are talking management and business here," pagmamalaki ni Melanie sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) pagkatapos ng graduation rites sa Manila Hotel. "I know exactly what I'm doing when it comes to businesses espcially dahil involved ako sa showbiz, sa filmmaking, sa fashion. Kahit nakapikit ako, alam ko na ang gagawin ko."

"So I think nag-excel lang ako because they [her professors in IAME] were really impressed sa last project na in-implement ko. It only took me two weeks to present a very successful project in Rockwell where we touched my major—‘yung accounting and financing saka advertising."

Dagdag pa niya: "I'm also learning a new program and modules as well sa Warnborough University which is in New England. Sabay ko itong kinuha at sabay ko itong ipinasa. It's a learning program naman through modules din at correspondent nila ang IAME, so eight months lang talaga at natapos ko ang aking course. ‘Yung lahat ng curriculum units ko, na-fulfill ko through modules. But then, the one that I really attended here are the major ones."

Bukod sa pagiging cum laude ay masaya si Melanie dahil dumating sa kanyang graduation ang lahat ng kanyang anim na anak. Ang panganay niyang si Manuelito, 24—anak ni Melanie kay Senator Lito Lapid—ay lumipad mula sa Amerika noong Biyernes, November 17, para personal na masaksihan ang pagtatapos ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating din ang mga kapatid ni Melanie na sina Joey at Totoy Marquez.

Sa kasamaang-palad ay hindi naman nakadalo ang asawa ni Melanie na si Adam Lawyer dahil kinailangan nitong bumalik sa Amerika para sa ilang importanteng bagay. Ayon kay Melanie ay susunod din siya agad sa Amerika upang matupad ang kanilang kagustuhan ni Adam na makabuo pa ng isang anak.

"Sabi ko, kapag ‘di ako magbuntis ng December, hindi ko na itutuloy," sabi ni Melanie. "That means I would be very busy because ngayon pa lang siyempre, nagre-relax ako kaya nga hindi ako tumataggap ng mga offers. I really want to get pregnant. If not, 'di na ako magpapabuntis kasi naka-focus na ako sa mga gagawin ko, planado na ang mga gusto kong gawin. Mayroon na akong goals na kailangang ma-achieve ko lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN