Monsour del Rosario enjoys fatherhood



Hindi maubusan ng kuwento si Monsour del Rosario tungkol sa kanyang 8-month-old baby boy na si Matthew. Matty raw ang nickname ng kanyang anak at tuwang-tuwang ipinakita ni Mon sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang mga litrato nito na naka-store sa kanyang cell phone.

Ayon kay Monsour ay hindi niya inaasahan na magiging father pa siya dahil noong unang magbuntis ang kanyang misis na si Joy Zapanta-del Rosario ay nakunan ito. Kambal pa naman daw sana ang panganay nila.


"Na-depress kaming mag-asawa kasi nga it was supposed to be our first born tapos twins pa," kuwento ni Monsour sa press launch ng official entries ng Metro Manila Film Festival-Philippines 2006 sa executive lounge ng Aliw Theater noong November 13. "Pero siguro nga it wasn't for us. The Lord must have another baby for us. Kaya after a few months, nabuntis ulit si Misis, heto lumabas na si Matty. And we love him very much."


Ayon pa kay Monsour, hindi raw siya makaalis ng bahay kapag gising na si Matty. Since naging ama nga raw siya, gusto niya lahat ng free time niya ay nakatuon sa kanyang anak.


"Kahit na nga hindi free time, gusto ko makasama ang anak ko," sabi pa niya. "I want to spend lots of quality time with my son. I don't want him to grow up na hindi man lang ako nakakasama o [hindi ko man lang] nakikita ang mga nagiging improvements niya. Kung puwede nga lang, i-record ko lahat ng activities niya habang nasa trabaho ako. I don't want to miss a thing that my son will do."


Wala pang one-year-old si Matthew, pero tinuturuan na raw siya ng ama niya na mag-taekwondo, ang martial arts kung saan nakilala si Monsour. Marunong na nga raw sumipa ang kanyang anak.



"Kanino pa ba magmamana ‘yan kundi sa daddy niyang macho?" pagmamalaking sabi ni Monsour. "My son is lalakeng-lalake. Pati nga facial expressions ko, kuhang-kuha niya. Kaya when he's old enough, I will teach him my secret fighting techniques. Para lang sa aming mag-ama ‘yon."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pala sa taekwondo school na pinapatakbo ni Monsour, supplier din siya ng martial arts uniforms and equipments—ang Peak Martial Arts Equipment.

Kasama si Monsour sa dalawang entries sa Metro Manila Film Festival-Philippines 2006—ang Tatlong Baraha ng Violett Films starring Lito, Mark, and Maynard Lapid at ang Super Noypi ng Regal Entertainment starring Jennylyn Mercado and Mark Herrras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN