Criselda Volks 'ipadudukot' si Cris Villanueva



Iritado at nauubos na ang pasensiya ng aktres na si Criselda Volks sa kanyang dating live-in partner na si Cris Villanueva, kaya nagbanta itong ‘ipadudukot’ na lang ang aktor. Ito ang sinabi ni Criselda sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa taping ng Magpakailanman ni Mel Tiangco—na ipalalabas mamayang gabi sa GMA-7 tampok din sina Gina Alajar at Tirso Cruz III—sa Provident Village, Marikina City last Sunday, November 19.

For ten years ay nag-live in sina Criselda at at ang That’s Entertainment graduate na si Cris. Last year ay naghiwalay ang dalawa at pagkalipas lamang ng dalawang buwan ay nagpakasal si Cris sa ibang babae.

Ayon kay Criselda, halatang pinagtataguan siya ni Cris upang hindi nito mapirmahan ang dokumentong magbibigay ng total custody sa aktres para sa kanilang anak na si Raffa.

Idinagdag pa ni Criselda na nilapitan na niya ang ama at kapatid ni Cris upang matunton ang huli, pero wala rin daw nangyari. Halos dalawang buwan na niyang hinahanap si Cris para maayos na ang hinihingi niyang custody sa kanilang anak. Dahil dito ay magse-celebrate si Criselda ng kanyang 25th birthday sa Hong Kong ngayong araw na ito, November 23, minus her son.

“Matagal na raw nilang hindi nakakausap si Cris, I don’t know whether it’s true or not. The best thing to do siguro is to let the lawyer handle it na lang. I don’t know, siguro it would be pathetic of me kung manawagan pa ako sa TV para lumabas lang si Cris at mapirmahan niya ang mga papeles,” pahayag ni Criselda.

Hindi man ikinasal sina Cris at Criselda, ipinalipat ang last name ni Raffa sa ama nitong si Cris mula sa apelyido ng aktres dahil akala raw ni Criselda ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon. Kaya ngayon ay nahihirapan si Criselda na ayusin ang mga travel documents ng kanilang anak dahil without Cris’s signatures, hindi makalalabas ng bansa si Raffa.

Sinabi pa ni Criselda na ang kanyang birthday wish ay ang magkaroon pa ng maraming trabaho at makasama lagi ang kanyang mahal na anak.

“Heto nga, pupunta ako sa Hong Kong na malungkot kahit magbe-birthday ako. Hindi ko kasi maisama si Raffa,” malungkot na sabi ni Criselda.

Patuloy niya, “My birthday wish is to be blessed with more work. I’m very eager to work, not for the money as showbusiness is not my bread and butter, but it is my passion. I love the hype, I love acting, performing and everything that goes with it. I think I was born and my path is to be with this kind of business. And I’m very happy how my career is going right now.

“Kasama siyempre sa birthday wish ko ang good health ng aking anak, maging mabuti lagi ang kalagayan niya. Too bad, hindi ko siya maisama, madalas pa naman akong nagta-travel abroad. Ang pamilya ko kasi ay nasa Amerika lahat e. Kaya wish ko lang na maayos na ang mga dokumento ni Raffa, isang pirma lang ni Cris ay maaayos na iyon. Para makapunta si Raffa sa Amerika at makilala ang mga pinsan niya, mga kamag-anak niya. I want him to grow-up sa magandang surroundings which is imposible sa side ni Cris, dapat ay sa side ko.”

Pinaghalong pagkadesperado at pagkadismaya ang himig ng huling pananalita ni Criselda dahil sa pagkabigo niyang makuha ang full custody sa kanyang anak, hindi lang namin matiyak kung seryoso siya sa kanyang banta kay Cris.

“The last time we talked, walang balak si Cris na pumirma, kaya kumbaga para sa akin kung hindi siya makuha sa santong dasalan, kunin na lang sa santong paspasan, ipapadukot ko na lang siya,” wika pa ni Criselda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN